21/06/2025
Mula sa One News Camsur:
PANOORIN | - TINAMBAC, CAMARINES SUR MAYOR ELECT EDWARD ALBERT "BOBIT" PRADES NAGPAHAYAG NG PAGKA-DISMAYA DAHIL SA WALA PANG KOORDINASYON AT KUMUNIKASYON SI OUTGOING MAYOR RUEL TUY SAMPUNG ARAW BAGO ANG HUNYO 30, 2025.
Alas 12:00 ng tanghali sa June 30, 2025 ang lahat na mga bagong halal na opisyal ay magsisimula na ang kanilang katungkulan.
Ang Department of Interior and Local Government nagpalabas na ng Memorandum na isang gabay para sa transition mula sa Outgoing Mayor patungo sa Incoming Mayor, subalit sa bayan ng Tinambac, Camarines Sur nagpaabot ng pagka-dismaya si Incoming Mayor Bobit Prades dahil wala pang kumunikasyon mula kay Outgoing Mayor Ruel Tuy.
Umaasa ito na sa mga susunod na araw ay magkaroon na ng pag-uusap para sa transition ng pag-renda ng munisipyo.
Nag-request o sumulat na rin ito sa Commission on Audit na magkaroon ng Pre-Audit bago ang kanyang pamumuno.
Sa huli muling nagpasalamat ang nahalal na Alcalde sa kanyang mga kababayan sa Tinambac sa suportang ibinigay sa kanya na naging dahilan ng kanyang tagumpay sa nagtapos na halalan 2025.
Panoorin ang video para sa buong detalye.