02/10/2026
Magandang buhay po! ATTENTION UPLIFT BENEFICIARIES
2ND TRANCHE MANUAL PAYOUT - OCT. 13
Ang atin pong mga kaibigan mula sa DSWD-SWAD ay muling bababa sa ating islang bayan para sa Ikalawang Tranche ng Manual Payout para sa mga benepisyaryo ng UPLIFT Program.
Ang mga benepisyaryo pong nakatanggap ng ayuda noong Hulyo 31 at Setyembre 4, 2026 ang siyang napasali sa ikalawang payout na gaganapin ngayong darating na ika-13 ng Oktubre sa ganap na ika-10 ng umaga.
MAHALAGANG MGA PAALALA MULA SA DSWD
• Ang payout ay para lamang sa mga kwalipikadong benepisyaryong nakatala sa opisyal na listahan.
• NATIONAL ID PO LAMANG ANG TATANGGAPING ID.
—> Walang National ID, walang payout. Kung wala pang National ID, magtungo po sa Munisipyo sa October 9 at 10.
—> Hindi po tatanggapin ang ibang uri ng ID.
—> Kung ang inyo pong National ID ay naka-laminate o naka-PVC, mangyaring maghanda ng digital o e-copy ng National ID mula sa eGov na maipapakita sa orihinal nitong digital na anyo.
• PARA SA MGA BENEPISYARYONG PUMANAW
—> kailangan pong makumpirma na ang kukuha o papalit sa pumanaw ay kabilang na miyembro sa parehong sambahayan o household list na hawak ng DSWD batay sa nakaraang 2024 survey at may dalang sariling National ID bilang patunay ng pagkakakilanlan.
—> Kailangan pong magdala ng Death Certificate bilang patunay ng pagpanaw ng nakalistang benepisyaryo.
—> Mangyaring ipaalam po kaagad sa MSWDO ang ganitong sitwasyon para sa mga kinakailangang form na sasagutan sa ganitong sitwasyon, depende sa pagsusuri ng bawat kaso.
• Mangyaring makipag-ugnayan po sa MSWDO para sa iba pang detalye o mga katanungan at mga iba pang kinakailangang dokumento bago sa araw ng payout.
Mula po sa lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Larry Alvarez, lubos na pasasalamat po sa ating mga kaibigan sa DSWD sa pangunguna ni RD Dr. Barry Chua sa patuloy na pag-alalay at pakikipagtulungan para sa kapakanan ng ating nga kababayan sa islang bayan.
Maraming maraming salamat po.