Sangguniang Kabataan ng Brgy. San Juan

Sangguniang Kabataan ng Brgy. San Juan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sangguniang Kabataan ng Brgy. San Juan, Government Organization, San Juan, Tingloy.

Happy Birthday, SK Laica!May this new year of your life be filled with growth, happiness, and countless blessings—not on...
29/07/2026

Happy Birthday, SK Laica!

May this new year of your life be filled with growth, happiness, and countless blessings—not only in leadership but in every part of who you are. Thank you for being an inspiration through your dedication, kindness, and heart for service.

Your Sangguniang Kabataan Family wishes you nothing but the best, today and always. ✨


Hindi man po natin nakuha ang panalo sa semifinals, taas-noo pa rin po nating haharapin ang susunod na laban bukas. Ang ...
21/07/2026

Hindi man po natin nakuha ang panalo sa semifinals, taas-noo pa rin po nating haharapin ang susunod na laban bukas. Ang bawat tagumpay at pagkatalo po ay bahagi ng paglalakbay, at ang tunay na sukatan ng isang koponan ay ang tibay ng loob na bumangon at lumaban muli.

Taos-puso po kaming bumabati at nagpapasalamat sa buong Team San Juan. Maraming salamat sa inyong walang sawang pagsisikap, husay, disiplina, at dedikasyon sa bawat minuto ng laro. Ipinakita ninyo ang tunay na puso ng isang atleta—lumalaban nang buong tapang at may pagmamalaki para sa ating bayan.

Sama-sama po nating suportahan ang ating koponan sa Battle for Third bukas. Isang laban pa, isang pagkakataon pa para ipakita ang puso at karakter ng Team San Juan.

Maraming salamat po sa lahat ng sumuporta at patuloy na naniniwala. 🩶


SEMI-FINALS BOUND! Bagamat hindi po natin nakuha ang panalo sa unang laro kanina, bumawi ang Brgy. San Juan at matagumpa...
20/07/2026

SEMI-FINALS BOUND!

Bagamat hindi po natin nakuha ang panalo sa unang laro kanina, bumawi ang Brgy. San Juan at matagumpay na naselyuhan ang puwesto sa Semifinals ng Mayor's Cup matapos tapusin ang eliminations na may 4–1 standing.

Maraming salamat po sa lahat ng patuloy na sumusuporta at nanonood. Malaking bahagi kayo ng bawat laban at tagumpay ng ating koponan.

📅 Bukas | 9:30 AM
🏀 Mayor's Cup Semifinals

Congratulations and Good luck, Brgy. San Juan! 🩶


Congratulations, Brgy. San Juan!3-0 na po tayo sa Mayor's Cup 2026! Isa na namang matinding laban ang ating naipanalo. M...
19/07/2026

Congratulations, Brgy. San Juan!

3-0 na po tayo sa Mayor's Cup 2026! Isa na namang matinding laban ang ating naipanalo. Maraming salamat po sa bawat player na nagbigay ng buong puso! Bilib at buong-buo po ang aming suporta sa inyo.

Maraming salamat din po sa lahat ng sumigaw at sumuporta hanggang sa huling buzzer. Patuloy po nating suportahan ang Team San Juan bukas para sa kanilang susunod na laban.

Good luck, Team San Juan! 🩶


Congratulations, Brgy. San Juan!2-0 na po tayo sa Mayor's Cup 2026!Maraming salamat din po sa lahat ng nakisigaw at sumu...
18/07/2026

Congratulations, Brgy. San Juan!

2-0 na po tayo sa Mayor's Cup 2026!

Maraming salamat din po sa lahat ng nakisigaw at sumuporta. Lalaban po ulit tayo bukas, 3:45 PM. Kita-kita po tayo!

Good luck, Team San Juan! 🩶


Isang matagumpay po na simula para sa Team San Juan! Sa unang laro ng Mayor's Cup, ipinamalas ng ating koponan ang husay...
17/07/2026

Isang matagumpay po na simula para sa Team San Juan!

Sa unang laro ng Mayor's Cup, ipinamalas ng ating koponan ang husay, disiplina, at determinasyon na nagbunga ng isang karapat-dapat na tagumpay. Taos-puso ang aming pasasalamat sa lahat ng nagbigay ng kanilang oras at walang sawang suporta. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagsuporta at pagdadala ng karangalan sa ating lungsod.

Congratulations, Team San Juan! Tuloy ang laban, tuloy ang pagkakaisa, at tuloy ang tagumpay!


iSKolar: Edu-Aksyon Assistance ReleaseIpinaaalam po sa lahat ng benepisyaryo na dahil sa hindi inaasahang conflict sa is...
17/07/2026

iSKolar: Edu-Aksyon Assistance Release

Ipinaaalam po sa lahat ng benepisyaryo na dahil sa hindi inaasahang conflict sa iskedyul, muli pong magkakaroon ng pagbabago sa schedule ng pamamahagi ng iSKolar: Edu-Aksyon Educational Assistance.

Ang bagong iskedyul ng distribution ay itinakda sa Hulyo 19, 2026 (Linggo), alas-8:00 ng umaga sa Barangay San Juan Covered Court.

Humihingi po kami ng paumanhin sa abalang naidulot ng muling pagbabago ng iskedyul at lubos naming pinahahalagahan ang inyong pag-unawa at pakikiisa.

Paalala: Ang mag-aaral mismo ang kinakailangang mag-claim ng educational assistance.

Maraming salamat po!


iSKolar: Edu-Aksyon Assistance ReleaseIpinaaalam po sa lahat na dahil sa pansamantalang pagsuspinde ng naunang iskedyul ...
14/07/2026

iSKolar: Edu-Aksyon Assistance Release

Ipinaaalam po sa lahat na dahil sa pansamantalang pagsuspinde ng naunang iskedyul ng pamamahagi ng iSKolar: Edu-Aksyon Educational Assistance bunsod ng masamang panahon at bilang pag-iingat sa kaligtasan ng ating mga benepisyaryo, ang bagong schedule ng distribution ay itinakda sa Hulyo 18, 2026 (Sabado), 10AM sa Barangay San Juan Covered Court. Inaasahan po namin ang inyong pag-unawa at pakikiisa sa naging pagbabago ng iskedyul.

Paalala rin po na ang mag-aaral mismo ang kinakailangang mag-claim ng educational assistance.

Maraming salamat po!


Sa lahat po ng ating mga kabataan at mga magulang, nais po naming ipabatid na ang nakatakdang pamamahagi ng Educational ...
10/07/2026

Sa lahat po ng ating mga kabataan at mga magulang, nais po naming ipabatid na ang nakatakdang pamamahagi ng Educational Assistance ay ipagpapaliban muna dahil sa patuloy na masamang panahon na dulot ng Bagyong Inday.

Dahil sa kawalan ng kasiguraduhan sa lagay ng panahon at dagat, at sa kaligtasan ng biyahe ng mga bangka, minabuti po naming ipagpaliban muna ang distribution. Higit sa lahat, ang kaligtasan at kapakanan ng bawat kabataan ang aming pangunahing inuuna.

Inaanyayahan po namin ang lahat na hintayin ang aming mga susunod na anunsyo tungkol sa bagong petsa ng pamamahagi sa sandaling maging ligtas na ang panahon at ang mga biyahe.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, pagtitiis, at pakikiisa.

Patuloy po tayong mag-ingat, sumunod sa mga paalala ng ating mga awtoridad, at ipanalangin ang kaligtasan ng bawat isa.


‼️ ANNOUNCEMENT ‼️Dahil sa epekto ng masamang panahon dulot ng Bagyong Inday, ang iSKolar: Edu-Aksyon Assistance Distrib...
09/07/2026

‼️ ANNOUNCEMENT ‼️

Dahil sa epekto ng masamang panahon dulot ng Bagyong Inday, ang iSKolar: Edu-Aksyon Assistance Distribution ay kasalukuyang nakaantabay (on hold).

Ang lahat ay hinihiling na maghintay ng opisyal na anunsyo kung ang nakatakdang pamamahagi sa darating na Sabado ay matutuloy o kung ito ay ipagpapaliban.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa. Patuloy po nating unahin ang kaligtasan ng bawat isa.

Mag-ingat at manatiling ligtas ang lahat.


Address

San Juan
Tingloy
4200

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan ng Brgy. San Juan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share