10/07/2025
Attended the Mandatory Onboarding for the Newly Elected Vice Governors and Vice Mayor which was organized by the Ministry of Interior and Local Government, with the theme “Bangsamoro Local Leaders at the Helm: Embodying Moral Governance, Transforming Communities.”
Isang makabuluhang pagkakataon para mas maunawaan ang ating tungkulin bilang mga lingkod-bayan, at kung paano natin maisasabuhay ang moral governance, ang pamumunong tapat, makatao, at may malasakit sa kapwa.
Isa sa pinaka-highlight ng orientation ay ang panawagan sa mga Vice Leaders na maging peacebuilders, hindi lang basta policy makers o lawmakers. Sa panahon ngayon, higit kailanman, kailangan ng ating mga komunidad ang katahimikan, pagkakaisa, at pag-asa.
Kasama natin ang mga leaders from different provinces and municipalities ng BARMM. Kaya’t naging magandang pagkakataon ito para makapag-ugnayan, magbahagi ng kaalaman, at magsimula ng sama-samang layunin para sa mas progresibong Bangsamoro.
Inaasahan nating mas lumalim pa ang ating kaalaman sa mga responsibilidad natin bilang lingkod-bayan, to be an effective leader, at matutunan ang mga tamang hakbang tungo sa isang mas maayos, mas matapat, at mas makataong pamahalaan para sa ating mga nasasakupan.
July 8-9, 2025
Davao City