06/08/2026
πππππππ ππ πππ π
πππππ ππππππ, πππππππππ ππ ππ
ππ ππ ππππ
OROQUIETA CITY, MISAMIS OCCIDENTAL β Nagsagawa ng courtesy visit ang mga kinatawan ng Task Force Balik-Loob (TFBL), sa pangunguna ni Cpt. Ryann Paul M. Palado PA, kay Lt. Col. Nelson Q. Boticario PA, Commanding Officer ng 10th Infantry (STEADY-ON) Battalion, sa Headquarters 10IB, Brgy. Burgos, Oroquieta City noong Hulyo 14, 2026.
Sa nasabing pagbisita, ibinahagi ni Lt. Col. Boticario na kasalukuyang may pitong (7) Former Rebel Peopleβs Organizations (FRPOs) na binubuo ng 356 na aktibong miyembro, gayundin ang limang (5) community-based peopleβs organizations sa ilalim ng nasasakupan ng batalyon. Upang higit na mapalakas ang pamamahala at suporta sa mga organisasyong ito, nagtatag ang yunit ng isang stakeholdersβ group na binubuo ng mga kinatawan mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Science and Technology (DOST), University of Southern Philippines Foundation, gayundin ng mga doktor at abogado.
Ipinahayag din ni Lt. Col. Boticario ang kaniyang kahandaang maging panauhin sa programang radyo na Balik-Loob sa Pagbabago upang maibahagi ang mga inisyatibong ipinatutupad ng 10IB para sa mga dating rebelde at kanilang mga komunidad.
Bilang outgoing Commanding Officer ng 10IB, nagpasalamat siya sa TFBL para sa patuloy na suporta nito sa pagpapatupad ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP). Hiniling din niya ang pagpapatuloy ng matatag na koordinasyon at pagtutulungan sa pagitan ng TFBL at ng batalyon sa nalalapit na pagpapalit ng pamunuan ng yunit.