12/05/2025
Minamahal kong mga Kaibigan, Tagasuporta, at mga Kababayan sa Tondo,
Mula sa kaibuturan ng aking puso, maraming salamat po.
Bagamat hindi natin nakuha ang tagumpay sa halalan, nais kong ipabatid sa inyong lahat ang aking taos-pusong pasasalamat sa inyong suporta, panalangin, at paniniwala sa ating layunin para sa mas maayos at mas maunlad na Tondo.
Ang ating kampanya ay naging isang inspirasyon—kasama ko kayong naglakad sa kalsada, nakinig sa inyong mga kwento, nakibahagi sa inyong mga pangarap, at nagtulungan upang itaguyod ang tunay na pagbabago. Ang inyong tiwala at suporta ang nagsilbing lakas ko sa bawat hakbang ng ating kampanya—mula sa house-to-house hanggang sa ating mga programa at pagtitipon.
Hindi man ako nanalo ng puwesto, ako’y nagwagi sa mas mahalagang bagay: ang mas matatag na ugnayan sa ating komunidad at mas lalong pagtatalaga ng sarili para sa serbisyo.
Hindi dito nagtatapos ang laban. Ito ay simula pa lamang ng mas makabuluhang pagkilos para sa ating mga kababayan. Ako pa rin at pamilya Ching, handang makinig, tumulong, at maglingkod.
Maraming salamat po, Tondo. Tuloy ang laban para sa tunay na malasakit at serbisyo!
Buong pusong nagpapasalamat,
Jay Ching Pineda