10/08/2026
PARA SA EKONOMIYA! Masaya at makulay ang taunang selebrasyon ng Linggo ng Kabataan sa Maynila, at ngayon, dinagdagan pa ng oportunidad pang-trabaho para sa Kabataang Manilenyo sa pamamagitan ng isang Mini Job Fair na isasagawa bukas, August 11 (Martes), 9:00am to 4:00pm sa SDEC Conference Room, Vitas, Tondo.
Ang proyekto ay tinaguyod ng Building Youth Empowerment (BYE) at nakalinya sa Economic Empowerment, isa sa mga Centers of Participation na binuo para mabigyang daan ang pakikiisa ng kabataan sa iba't ibang aspeto ng pagpapa-unlad ng lungsod at pamayanan.
Ang lahat ng may edad 18, at least JHS o ALS JHS graduate, willing mag trabaho full time, at interesadong maging service crew, sales associate at merchandisers (for the boys only) at syempre naman - residente ng Maynila, ay inaanyayahang magtungo sa SDEC bukas para sa face--to-face application an initial interview.
Magdala lamang ng updated resume' with picture and contact number, at SSS, Philhealth and Pagibig documents.
Ipadala ang inyong resume' sa [email protected] at mag register sa https://forms.gle/K6JM3UDm3bNZz79F6