28/07/2026
ANUNSYO:
Ito po ang mga kwalipikadong benepisyaryo ng UPLIFT mula sa Philippine Statistics Authority (PSA)!
Mangyaring ihanda ang mga kinakailangang dokumento upang maiwasan ang pagkaantala sa proseso ng validation at payout.
Mga Kinakailangan:
โข Orihinal at photocopy ng valid na Primary ID (na may tatlong pirma)
โข Ang mga Primary ID na tatanggapin lamang ay:
National ID, Passport, Driverโs License, Voterโs ID at Senior/PWD ID.
โข Certificate of Eligibility, Information Sheet, at General Intake Sheet
โข Aktibong GCash o Landbank Account na nakapangalan sa benepisyaryo
Mahalagang Paalala:
โข Ang listahan ng mga benepisyaryo ay nagmula sa Philippine Statistics Authority (PSA) batay sa 2024 Community-Based Monitoring System (CBMS) at hindi na maaaring baguhin o palitan.
โข Tanging mga residente lamang ng Trece Martires City ang kwalipikado.
โข Tentative na petsa ng payout: Agosto 12, 2026 (iaanunsyo pa ang lugar).
โข Ang mga kwalipikadong benepisyaryo ay makatatanggap ng โฑ2,000 bawat buwan sa loob ng anim (6) na buwan.
Pumunta sa Barangay Hall o BNS office para sa mga katanungan at UPLIFT Forms. Bukas JULY 29,2026 8:00 AM onwards.
Nais naming bigyang-diin na ang listahan ng mga kwalipikadong benepisyaryo (masterlist) ay eksklusibong tinukoy ng Philippine Statistics Authority (PSA) batay sa isinagawang panayam at pangangalap ng datos para sa 2024 Community-Based Monitoring System (CBMS). Ang Barangay at ang Local Government Unit (LGU) ay hindi pumili, nagdagdag, nagtanggal, o nagbago ng anumang pangalan sa nasabing masterlist.
Hinihiling namin ang inyong pag-unawa na walang awtoridad ang Barangay na baguhin o impluwensyahan ang listahan ng mga benepisyaryo. Ang aming papel ay limitado lamang sa pagtulong sa pagpapalaganap ng impormasyon at pag-alalay sa pagpapatupad ng programa, katuwang ang mga kinauukulang ahensya.
Maraming salamat sa inyong kooperasyon at pag-unawa. Sama-sama nating tiyakin ang maayos at maayos na pagpapatupad ng UPLIFT Program.
BARANGAY AGUADO โฅ๏ธ