Office of the City Senior Citizen’s Affairs Head

Office of the City Senior Citizen’s Affairs Head Empowering senior citizens to live active, healthy and meaningful lives.

04/09/2026
Matagumpay na naisagawa ang "Milestone Payout 2026"sa 89 beneficiaries, para sa ating mga minamahal na LOLO at LOLA na u...
04/09/2026

Matagumpay na naisagawa ang "Milestone Payout 2026"sa 89 beneficiaries, para sa ating mga minamahal na LOLO at LOLA na umabot sa milestone ages na 80,85,90 at 95 taong gulang.

Isang napakagandang pagkakataon upang kilalanin, pasalamatan, at ipagdiwang ang kanilang mahaba at makabuluhang buhay.

Naging matagumpay ang programa sa tulong at gabay ng ating mga paymaster mula sa NCSC, kasama ang mga Senior Presidents mula sa 13 Barangay, OSCA Head at OCSCAH staff. Maraming salamat po sa inyong oras, serbisyo, at malasakit.

Taos-pusong pasasalamat din po sa ating City Administrator/OIC-OCSCAH, Atty. Ma. Jeanette B. Tolentino, sa inyong pamumuno at paggabay upang maging maayos at matagumpay ang programang ito.

At higit sa lahat , maraming maraming salamat po sa patuloy na suporta at malasakit ng ating butihing Mayor Gemma Buendia Lubigan at Vice Mayor Bobby Montehermoso para sa ating mga minamahal na senior citizens.

Happy Milestones, our dear Lolo and Lola!🥰




Matagumpay na isinagawa noong August 5–6, 2026 ang two-day seminar for senior citizens na may temang “Active Aging, Agel...
18/08/2026

Matagumpay na isinagawa noong August 5–6, 2026 ang two-day seminar for senior citizens na may temang “Active Aging, Ageless Teamwork.” 👵🏻🧓🏻

Pinangunahan ni Atty. Ma. Jeanette B. Tolentino, City Administrator/Acting Department Head ng OCSCAH, kasama ang OCSCAH staff at mga Presidente ng 13 Brgy., ang makabuluhang programa na naglalayong palakasin ang active participation, teamwork, at well-being ng senior citizens.

Special thanks to our distinguished resource speakers, Ms. Girlie R. Lubigan, Head of Human Resources Management Office, City Government of Trece Martires, and Pastor Alex Daquila of Pastoral Ministry, Brgy. De Ocampo, for sharing their valuable insights and inspiring messages.

Ang initiative na ito ay naging posible dahil sa patuloy na suporta ng ating City Mayor Gemma Buendia Lubigan, Vice Mayor Bobby Montehermoso, at ng 12th Sangguniang Panlungsod. 💚

Age is not a limitation it is a testament to experience, purpose, and continued contribution.🤍👵🏻🧓🏻

📢 Paanyaya para sa ating mga minamahal na Senior Citizens  💃🕺Inaanyayahan po ang lahat ng mga senior citizen na makiisa ...
29/07/2026

📢 Paanyaya para sa ating mga minamahal na Senior Citizens 💃🕺

Inaanyayahan po ang lahat ng mga senior citizen na makiisa sa ating Zumba sa Sabado, Agosto 1, 2026, sa ganap na 6:00am, na gaganapin sa People's Park, Trece Martires City.

Sama-sama po tayong mag-ehersisyo para sa mas malusog at masiglang pangangatawan. Kita-kits po!

Paalala: Kapag po maulan sa Biyernes ng gabi ay automatic pong cancel ang ating programa.
Maraming salamat po🩷



🫂🩷
16/06/2026

🫂🩷

📢 DISTRIBUTION OF SOCIAL PENSION AND BIRTHDAY CASH GIFT

Blessed day, Treceños!

Bukas na po, June 17, 2026 (Wednesday), ang pamamahagi ng ating Social Pension for Indigent Senior Citizens and Persons with Disability (PWD) (Local Fund) at Birthday Cash Gift for Senior Citizens, Persons with Disability and Solo Parent para sa mga buwan ng April, May, at June.

Personal ko pong sinisiguro na ang bawat programa ng ating Pamahalaang Lungsod ng Trece Martires ay nakakarating sa mga nangangailangan. Kaya naman po, hinati natin sa dalawang batch ang distribusyon para maging mabilis, komportable, at maayos ang inyong pagtanggap:

⏰ MORNING BATCH (8:30 AM - 11:30 AM)
📍 Aguado, Cabezas, Cabuco, Inocencio, Lallana, at Luciano

⏰ AFTERNOON BATCH (1:30 PM - 3:30 PM)
📍 Conchu, De Ocampo, Gregorio, Hugo Perez, Lapidario, Osorio, at San Agustin

📌Paki-check po sa larawan ang tamang venue para sa inyong barangay.

Hiling ko po ang inyong kooperasyon para sa isang ligtas at maayos na pamamahagi.

Maraming salamat po.

Isang matagumpay na Regional Payout para sa ating mga Senior Citizens ang naisagawa sa bawat barangay ng Lungsod ng Trec...
13/06/2026

Isang matagumpay na Regional Payout para sa ating mga Senior Citizens ang naisagawa sa bawat barangay ng Lungsod ng Trece Martires City.

Lubos po na nagpapasalamat ang Office of the Senior Citizens Affairs Head (OCSCAH) sa ating butihing Mayor Gemma Buendia Lubigan at Vice Mayor Bobby Montehermoso sa kanilang patuloy na suporta at malasakit para sa kapakanan ng mga Senior Citizens at sa lahat ng mga naging bahagi ng aktibidad na ito.

Sama-sama para sa patuloy na paglingap at pagpapahalaga sa ating mga elders🫂🩷



Promoting a healthy, active and enjoyable lifestyle for our dearest Senior Citizens. "Saturday Zumba"A heartfelt thanks ...
06/06/2026

Promoting a healthy, active and enjoyable lifestyle for our dearest Senior Citizens. "Saturday Zumba"

A heartfelt thanks to our beloved Mayor Gemma Buendia Lubigan & Vice Mayor Bobby Montehermoso for their continuous support in making these activities for our Senior possible.

Salamat din po sa ating mga dedicated Zumba instructor headed by Ma'am Thess Vidallon, sa lahat ng Senior Citizens President at sa lahat ng nakiisa sa Zumba sessions.

Special thanks as well to the staff of People's Park headed by sir John for accommodating our activity & providing a safe venue( dahil umulan, lumipat sa loob ng gym)

Salamat din po sa Engineering department headed by Engr.Warren, sir Topher for ensuring the sound system through the activity.

Maraming salamat po sa inyong lahat🫂
🕺💃

🩷Ocscah Tmc Staff

06/06/2026

Salamat po🩷🩵

Address

Brgy. Luciano, TMC
Trece Martires
4109

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Office of the City Senior Citizen’s Affairs Head posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share