17/08/2025
Matagumpay na naisagawa ang pagbibigay kaalaman sa mga bata ukol sa nutrion month at re-election ng Barangay Children's Association sa Barangay Luciano.
Ang event ay naglalayong mabigyang kaalaman ang mga kabataan ukol sa mga gulay, prutas, isda, baboy, manok at iba pa na maaaring makapagbigay nutrisyon sa ating katawan.
Nakapag re-elect rin ng mga panibagong officer na hahawak sa BCA ng Barangay Luciano. Kami’y patuloy na susuporta at gagabay sa mga kabataan na naatasan na panghawakan ang BCA sa Luciano. Panalangin namin ay maging matagumpay ang mga event na isasagawa nila.
Kami’y nakapagbigay ng mga pagkain, loot bags (may laruan, biscuit, at yogurt sa loob), pati na rin ng maliliit na thumbler na maaari nilang gamitin sa eskuwelahan.💗
Maraming salamat po sa mga tumulong sa amin sa pagsasagawa ng aming event. Hindi po mapapaganda ang takbo nito kung hindi po dahil sa mga naitulong niyo sa amin! Malaking pasasalamat po sa Youth at Solo Parent ng Barangay Luciano!💗