Sangguniang Barangay Hugo Perez

Sangguniang Barangay Hugo Perez "Ang simula ng TULOY-TULOY na PAG-BABAGO"

Ngayong Ninoy Aquino Day, ating alalahanin ang kabayanihan, tapang, at sakripisyo ni Benigno “Ninoy” Aquino Jr. para sa ...
20/08/2026

Ngayong Ninoy Aquino Day, ating alalahanin ang kabayanihan, tapang, at sakripisyo ni Benigno “Ninoy” Aquino Jr. para sa kalayaan at demokrasya ng ating bansa.

“Ang tunay na Pilipino ay handang maglingkod para sa bayan.”

Mabuhay ang Pilipinas!

20/08/2026

📢 PAALALA SA LAHAT NG RESIDENTE NG BARANGAY HUGO PEREZ

🇵🇭 AUGUST 21, 2026 — NINOY AQUINO DAY

Ipinapaalala po sa lahat na ang Biyernes, Agosto 21, 2026 ay NINOY AQUINO DAY, isang SPECIAL NON-WORKING HOLIDAY sa buong bansa.

Ang araw na ito ay ginugunita bilang pag-alala sa dating Senador Benigno “Ninoy” S. Aquino Jr. at sa kanyang naging ambag sa kasaysayan ng ating bansa.

📌 WALANG PASOK sa mga tanggapan ng pamahalaan alinsunod sa umiiral na holiday declaration.

Para sa mga transaksyon sa Barangay Hugo Perez, mangyaring planuhin ang inyong mga transaksyon at bumalik sa regular na oras ng serbisyo sa susunod na araw ng pasok.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.

📢 ANUNSYO SA ATING MGA RESIDENTEPAUNAWA HINGGIL SA PAGHAKOT AT PAGTATAPON NG BASURAIpinapaabot po ng Sangguniang Baranga...
20/08/2026

📢 ANUNSYO SA ATING MGA RESIDENTE

PAUNAWA HINGGIL SA PAGHAKOT AT PAGTATAPON NG BASURA

Ipinapaabot po ng Sangguniang Barangay Hugo Perez na maaaring magkaroon ng delay sa regular na paghahakot at pagtatapon ng basura sa ating barangay at sa buong Lungsod ng Trece Martires.

Ito po ay dulot ng epekto ng nagdaang malalakas na pag-ulan nitong mga nakalipas na araw, na nakaapekto sa operasyon at proseso ng paghahakot at pagtatapon ng basura sa Transfer Station ng buong lungsod.

Dahil dito, hinihiling po namin ang pang-unawa, pagtitiis at pakikiisa ng lahat ng ating mga residente kung sakaling hindi agad mahakot ang kanilang mga basura sa mga darating na araw.

Patuloy po nating ginagawa ang lahat ng makakaya upang maibalik sa normal ang iskedyul ng paghahakot sa lalong madaling panahon.

Samantala, hinihikayat po ang lahat na:
• Panatilihing maayos at nakasara ang mga basurahan;
• Iwasang ilabas ang basura nang mas maaga kung hindi pa nakatakda ang paghahakot;
• Huwag magtapon ng basura sa kalsada, kanal, bakanteng lote o iba pang pampublikong lugar; at
• Patuloy na makipagtulungan upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng ating barangay.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, pasensya at pakikiisa.

⚡ MAY BROWNOUT O POWER OUTAGE? ALAMIN KUNG SAAN AT PAANO ITO I-REPORT! 💡Upang mas mabilis na maaksyunan ang power outage...
14/08/2026

⚡ MAY BROWNOUT O POWER OUTAGE? ALAMIN KUNG SAAN AT PAANO ITO I-REPORT! 💡
Upang mas mabilis na maaksyunan ang power outage, brownout, sparking wires, sirang poste, o iba pang electrical safety concerns, maaaring makipag-ugnayan sa MERALCO 24/7 gamit ang mga sumusunod na channels:
📱 Meralco Mobile App / Meralco Online
💬 Facebook Messenger: facebook.com/meralco
☎️ Hotline: 16211
📲 Smart: 0920 971 6211
📲 Globe: 0917 551 6211
📌 Ihanda ang mga sumusunod na impormasyon:
• SIN/CAN o Customer Account Number
• Pangalan at kumpletong address
• Malapit na landmark
• Pangalan at active mobile number ng contact person
• Malinaw na paglalarawan ng problema
⚠️ PAALALA: Para sa inyong kaligtasan, huwag lalapit o humawak sa naputol, nakalaylay, o kumikislap na mga kawad. I-report agad sa MERALCO at panatilihin ang ligtas na distansya.
Makiisa tayo sa pagpapanatili ng ligtas at maayos na komunidad. 💙⚡

🎄🎁 MAGPAREHISTRO NA SA BARANGAY HUGO PEREZ APPS O BARANGAY HUGO PEREZ PORTAL! 📲🏡Malapit na naman ang pamimigay ng Pamask...
13/08/2026

🎄🎁 MAGPAREHISTRO NA SA BARANGAY HUGO PEREZ APPS O BARANGAY HUGO PEREZ PORTAL! 📲🏡
Malapit na naman ang pamimigay ng Pamaskong Handog mula sa City Government of Trece Martires! ❤️🎄
Bilang paghahanda sa paggawa ng listahan ng mga benepisyaryo, hinihikayat namin ang bawat bahay sa Barangay Hugo Perez na magparehistro sa Barangay Hugo Perez Apps o Barangay Hugo Perez Portal.
✅ Bakit kailangang magparehistro?
🏠 Mairehistro ang inyong Household at lahat ng miyembro ng pamilya na nakatira sa inyong tahanan.
📋 Magkaroon ng kumpletong datos para sa Community-Based Monitoring System (CBMS) ng Barangay.
📊 Makabuo ng opisyal at updated na Masterlist ng Household at Families sa Barangay Hugo Perez .
🎁 Magamit ang tamang impormasyon bilang batayan sa paghahanda ng listahan ng mga maaaring makatanggap ng iba't ibang programa at serbisyo, kabilang ang Pamaskong Handog.
📌 Mahalagang Paalala:
Ang pagpaparehistro ay para sa lahat ng residente ng Barangay Hugo Perez . Siguraduhing kumpleto at tama ang impormasyong ilalagay upang maiwasan ang aberya sa beripikasyon.
📱 Mag-register na ngayon sa:
✅ Barangay Hugo Perez Apps (Android) - na pwedeng idownload sa Osorio Portal o kaya iscan ang QR sa baba
💻 Barangay Hugo Perez Portal - https://hugoperez.2rsystem.online

Kung sakaling hindi kayang magparehistro, magpunta lang sa Barangay para kayo maassist ng aming Staff.

Ang ilang minutong pagrehistro ngayon ay malaking tulong upang mas maging mabilis, maayos, at patas ang paghahatid ng mga programa at serbisyo ng ating barangay.

Magkaisa tayo sa pagbuo ng isang mas organisado, mas handa, at mas maunlad na Barangay Hugo Perez! 💚💚

💙 MARAMING SALAMAT, GOV. ABENG REMULLA! 🙏Taos-pusong pasasalamat mula sa Barangay Hugo Perez, Trece Martires City, Cavit...
11/08/2026

💙 MARAMING SALAMAT, GOV. ABENG REMULLA! 🙏

Taos-pusong pasasalamat mula sa Barangay Hugo Perez, Trece Martires City, Cavite kay Governor Abeng Remulla sa inyong patuloy na malasakit at suporta sa ating mga kababayan.

Lubos naming pinahahalagahan ang inyong pagkakaloob ng BUKYO at ambulansya para sa Barangay Hugo Perez. Ang mga ito ay malaking tulong sa ating barangay, lalo na sa pagtugon sa pangangailangang pangkalusugan at sa agarang pagresponde sa mga emergency.

Ang inyong suporta ay patunay na may pamahalaang tunay na nakikinig, kumikilos, at nagmamalasakit sa bawat Caviteño.

Muli, maraming maraming salamat po, Gov. Abeng Remulla! 💙

Serbisyong Totoo, Serbisyong Ramdam!
Mabuhay po kayo at ang buong Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite! 🙌





📢 UPLIFT ASSISTANCE PAYOUT — TOMORROW! 💙❤️Mga kabarangay, inaanyayahan po ang mga kwalipikadong benepisyaryo ng UPLIFT A...
11/08/2026

📢 UPLIFT ASSISTANCE PAYOUT — TOMORROW! 💙❤️

Mga kabarangay, inaanyayahan po ang mga kwalipikadong benepisyaryo ng UPLIFT Assistance na dumalo sa payout bukas, August 12, 2026 (Wednesday), 7:00 AM onwards, na gaganapin sa City Hall Covered Court, Trece Martires City.

📌 PAALALA: Dalhin ang mga sumusunod: ✅ Original Valid ID na may address sa Trece Martires City
➡️ Kung walang available na valid ID na may tamang address, kinakailangang kumuha ng Barangay Certificate of Residency.
✅ Black ballpen

⏰ 7:00 AM onwards — Mangyaring dumating nang maaga at maging handa upang maging maayos at mabilis ang payout process.

Serbisyo para sa Bayan. Tuloy ang Asenso! 🇵🇭💙❤️

🌧️ PAALALA SA LAHAT NG RESIDENTE NG BARANGAY HUGO PEREZ! ⚠️Dahil sa Habagat na nagdudulot ng malakas na hangin at ulan, ...
08/08/2026

🌧️ PAALALA SA LAHAT NG RESIDENTE NG BARANGAY HUGO PEREZ! ⚠️

Dahil sa Habagat na nagdudulot ng malakas na hangin at ulan, pinapayuhan ang lahat na manatiling maingat, alerto, at laging handa.

🔋 Mag-charge ng cellphone at flashlight dahil may posibilidad ng pagkawala ng kuryente.
💧 Mag-ipon ng sapat na tubig sakaling magkaroon ng pagkaantala o pagkawala ng serbisyo ng tubig.
📱 Manatiling updated sa mga opisyal na anunsyo at paalala ng barangay.

📞 BRGY. EMERGENCY HOTLINE: 0916 795 6646
📲 Available din sa Viber at WhatsApp.

Pangalagaan ang sarili, pamilya, at kapwa. Magkaisa, maging handa, at manatiling ligtas! 💚

05/08/2026

📢 PUBLIC ADVISORY

Bilang pagtalima sa ipinatupad na suspensyon ng trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan ngayong Huwebes, Agosto 6, 2026, dulot ng Tropical Storm Maymay at ng pinaigting na Habagat, walang transaksyon sa Barangay Hall ng Barangay Hugo Perez ngayong araw.

Ang lahat ng regular na serbisyo at transaksyon sa Barangay Hall ay pansamantalang hindi muna tatanggapin. Gayunpaman, ang mga emergency response at iba pang mahahalagang serbisyo ay patuloy na ipagkakaloob kung kinakailangan.

Inaabisuhan ang lahat na manatiling alerto, sundin ang mga abiso ng mga kinauukulang ahensya, at iwasan ang paglabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at kooperasyon.

– Sangguniang Barangay Hugo Perez

📢 PUBLIC ADVISORYPlease be informed that pursuant to Memorandum Circular No. 122 issued by the Office of the President, ...
05/08/2026

📢 PUBLIC ADVISORY

Please be informed that pursuant to Memorandum Circular No. 122 issued by the Office of the President, work in government offices and classes at all levels within Trece Martires City are hereby SUSPENDED tomorrow, 06 August 2026 (Thursday), due to severe weather caused by Tropical Storm Maymay and the Southwest Monsoon (Habagat).

Agencies involved in the delivery of basic and health services, preparedness/response to disasters and calamities, and/or the performance of other vital services are hereby directed to continue their operations and render the necessary services.

The suspension of work in private businesses, commercial establishments, and private offices remains subject to the discretion of their respective management, in accordance with applicable labor standards and safety guidelines.

The public is enjoined to remain vigilant and continue to monitor official government advisories.

Stay safe, everyone.

Address

Barangay Hugo Perez
Trece Martires
4109

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Barangay Hugo Perez posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share