26/07/2026
Sa ngalan po ng Solo Parents ng Barangay Luciano, nais po naming ipaabot ang aming taos-pusong pasasalamat sa Buong Konseho ng Barangay Luciano sa pangunguna ni Kap. Luisito Diloy at sa aming butihing Committee, Kag. Bei Diloy. Pati narin kay Kag. Osteng De Guinto, Espie Fuellas Vida at Kag. Rey Poniente
Maraming salamat po sa tulong, suporta, at pagmamahal na ipinadama ninyo sa amin sa nagdaang "Zumba 2026".
Dahil po sa inyo, mas naging matagumpay at mas naging makulay ang partisipasyon ng Brgy. Luciano.
Ang inyong suporta ay hindi lamang tulong sa programa, kundi malaking ambag din para sa kalusugan at pagkakaisa ng mga Solo Parent sa ating lungsod.
Ang inyong pag-aalaga at paggabay sa mga kalahok ay tunay na nagpatibay sa tagumpay ng aming layunin.
Muli, maraming salamat po!
Mabuhay ang Brgy. Luciano! Mabuhay ang mga Solo Parent!