Barangay Villa Laida Tuao Cagayan

Barangay Villa Laida Tuao Cagayan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Villa Laida Tuao Cagayan, Tuao Road, Tuao.

01/04/2021
๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™
26/03/2021

๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™

PAGSASAILALIM SA GCQ NG CAGAYAN, KINATIGAN NI GOV. MAMBA

Kinatigan ni Governor Manuel N. Mamba ang pagsasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) mula sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang Cagayan sa buong buwan ng Abril.

Base ito sa inilabas na kalatas ng pamunuan ng DILG para tumawid sa GCQ ang mga lalawigan sa buong Rehiyon Dos maliban sa probinsya ng Batanes. Bunsod ito sa lumulobong kaso ng COVID-19 sa Region 2. Ngunit maaring umapela dito ang mga local na pamahalaan base sa kalagayan o sitwasyon ng iba't ibang bayan sa Lambak Cagayan.

Sinabi ng Gobernador na kung siya lamang ang masusunod ay hindi na dapat iapela ito dahil sa dumarami ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Cagaya, partikular sa Tuguegarao City. Isa pa umano ay nalalapit na Semana Santa kayaโ€™t mas mainam umano na magkaroon na lamang ng pare-parehong quarantine protocols.

Sinang-ayunan rin ito ni Provincial Health Officer Dr. Carlos Cortina III na aniyaโ€™y konti lamang ang pagkakaiba ng MGCQ sa GCQ kung saan ay malilimitahan ang galaw ng mga tao. Muli ay binanggit ng Health Officer na ang karamihang nagpopositibo ngayon ay mula sa mga work places kayaโ€™t napakaimportante na malimitahan ang bilang ng mga empleyado sa mga opisina o pagkakaroon ng work arrangement sa mga pribado at government employees.

Aniya, makakatulong ang GCQ sa lumalaking bilang ng mga nagpopositibo sa work place na 67-68% na sa ngayon.

Nilinaw pa ni Gov. Mamba na mainam pa rin na sumunod lahat sa minimum health protocols kahit na nasa GCQ ang Cagayan upang hindi na tumaas ang kaso ng virus. Ito ay ang paggamit ng facemask, face shield, paghuhugas ng kamay o paggamit ng alcohol at social distancing.

Kaugnay nito, ang pinakahuling datos ng COVID-19 sa lalawigan ay pumapalo sa 578 ang active cases kung saan ang Tuguegarao City ay nasa 353 aktibong kaso. Tanging ang bayan ng Ballesteros at Sta. Teresita ang walang naitalang active cases dahil nakarekober na ang dating mga pasyente. Habang ang bayan ng Sta. Praxedes ay nanatiling COVID-19 free sa simula ng pandemya hanggang sa kasalukuyan. (SUSAN L. MAPA)

Address

Tuao Road
Tuao
3528

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Villa Laida Tuao Cagayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share