11/10/2026
KALIGTASAN NG MAMAMAYAN, ATING PINAGKAKAISA! ππ€
Bilang bahagi ng patuloy na Crime Prevention Campaign ng Tuao Police Station, nagsagawa ang kapulisan ng dayalogo at pamamahagi ng Crime Prevention Flyers sa mga mamamayan ng Tuao.
Layunin ng aktibidad na maghatid ng mahahalagang paalala, payo, at impormasyon upang maging mas mapagmatyag, maingat, at handa ang bawat isa sa pag-iwas sa krimen.
Sa simpleng kaalaman at tamang pag-iingat, malaki ang ambag ng bawat mamamayan sa pagpapanatili ng ligtas at payapang komunidad.