09/08/2022
Kaisa ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ng buong bansa sa pagdiriwang ngayong araw, Agosto 9, ng Pambansang Araw ng mga Katutubo (National Indigenous Peoples Day).
Sa ilalim ng temang "Kasaysayan, Karunungan, at Wika ng mga Katutubong Pamayanan: Mga Saligan ng Katutubong Pagkakakilanlan at Tulay Tungo sa Inklusibong Kaunlaran," ating patuloy na itaguyod ang karapatang pantao, kilalanin ang identidad, at paunlarin ang kultura ng bawat katutubong Pilipino bilang daan sa pagsulong ng bansa.