03/08/2026
PANOORIN: Pinuri ng Chief, Philippine National Police PGEN JOSE MELENCIO NARTATEZ JR ang lahat ng mga pulis na nagsilbi sa ikalimang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. dahil sa kanilang disiplina, kahandaan, propesyonalismo, at paggalang sa karapatan ng bawat mamamayan, na naging dahilan upang mapanatili ang mapayapa at maayos na seguridad sa buong okasyon.
Kasabay nito, nagbigay rin siya ng pinakamataas na pagpupugay kay Patrolman Chris Heredero, na nasawi matapos tapat na gampanan ang kanyang tungkulin sa SONA security operations.
Ayon sa CPNP, ang kanyang sakripisyo ay sumasalamin sa dedikasyon ng mga pulis na inuuna ang serbisyo at kaligtasan ng publiko higit sa kanilang sariling kapakanan.
Source: https://www.facebook.com/reel/2165185197753521
DISCLAIMER: CTTO of the photos, videos, music, and optics used in this post. No copyright infringement intended.