22/06/2026
BAWAT PIRMA, MAY PANANAGUTAN
Narito ang ilang mahahalagang paalala na dapat tandaan.
IKAW ANG PANGALAN, IKAW ANG PIPIRMA!
Ang affidavit ay isang legal na panunumpa. Kung pangalan mo ang nakasulat bilang Affiant o Petisyoner, IKAW lang at walang ibang tao ang pwedeng pumirma nito. Hindi pwedeng "paki-pirmahan" o palsipikahin ang lagda ng iba—ito ay isang krimen!
MAY EPEKTO AT PANANAGUTAN SA BATAS.
Ang affidavit ay hindi basta-basta papel lang. Ito ay nagsisilbing opisyal na ebidensya. Kapag ikaw ay nagsinungaling sa isang sworn statement, maaari kang makasuhan ng Perjury o pagsisinungaling sa ilalim ng sumpa.
⚠️ REMINDER: Huwag pumirma nang dahil lang sa "nagmamadali" o "napilitan." Kung may hindi malinaw sa dokumento, kumonsulta sa abogado.