30/07/2026
[ ๐๐๐๐๐๐ ] ๐๐๐ ๐๐๐ ๐ข๐จ๐ง ๐๐ ๐ฌ๐ข๐ง๐ฎ๐ซ๐ข ๐๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐๐ง๐ ๐ฌ๐๐ฆ๐๐ฌ๐ญ๐ซ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ญ๐ฎ๐ฉ๐๐ ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฉ๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐
๐จ๐ซ๐ฆ๐๐ญ๐ข๐ฏ๐ ๐๐ฌ๐ฌ๐๐ฌ๐ฌ๐ฆ๐๐ง๐ญ
Sinuri ng Department of Agrarian Reform (DAR) Region 02 ang naging implementasyon ng mga programa nito sa unang anim na buwan ng taon sa isinagawang CY 2026 First Semester Regional Formative Assessment noong Hulyo 28โ29, 2026, sa Tuguegarao City, Cagayan.
Dinaluhan ang dalawang araw na aktibidad ng mga opisyal at kawani mula sa DAR Regional Office 02 at Provincial Offices nito.
Isa-isang iniulat ng bawat tanggapan ang kanilang Performance versus Target para sa CY 2026 sa ilalim ng Land Tenure Security Program (LTSP), Agrarian Justice Delivery Program (AJDP), Agrarian Reform Beneficiaries Development and Sustainability Program (ARBDSP), at Support to Operations (STO).
Inilahad din ng Regional Budget Officer ang financial performance ng DAR Region 02 sa bawat lalawigan, na nagsilbing batayan sa pagsusuri ng paggamit ng pondo ng rehiyon.
Bilang pagtatapos ng assessment, nagsagawa ang mga kalahok ng agreement setting upang pagtibayin ang mga susunod na hakbang at mga estratehiyang magpapalakas sa implementasyon ng mga programa ng tanggapan.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin naman ni Regional Director Primo C. Lara na ang tunay na sukatan ng serbisyo publiko ay ang malasakit sa bawat programang ipinapatupad at sa mga taong pinaglilingkuran.
"Ibigay niyo ang lahat ng pagmamahal sa mga programa, sa mga ARB, at sa kapwa," aniya.