AGRI TV VLOG

AGRI TV VLOG Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from AGRI TV VLOG, Government Organization, San Gabriel, Tuguegarao City.

𝟐𝟎 𝐔𝐩𝐠𝐫𝐚𝐝𝐞𝐝 𝐁𝐮𝐟𝐟𝐚𝐥𝐨 𝐧𝐚 𝐧𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐧𝐠 𝐏𝟐.𝟐-𝐌, 𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐠𝐢 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐤𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐦𝐩𝐥𝐨𝐧𝐚, 𝐂𝐚𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐏𝐀𝐌𝐏𝐋𝐎𝐍𝐀, 𝐂𝐀𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍 – Por...
14/01/2026

𝟐𝟎 𝐔𝐩𝐠𝐫𝐚𝐝𝐞𝐝 𝐁𝐮𝐟𝐟𝐚𝐥𝐨 𝐧𝐚 𝐧𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐧𝐠 𝐏𝟐.𝟐-𝐌, 𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐠𝐢 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐤𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐦𝐩𝐥𝐨𝐧𝐚, 𝐂𝐚𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧

𝐏𝐀𝐌𝐏𝐋𝐎𝐍𝐀, 𝐂𝐀𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍 – Pormal na ipinamahagi ng Department of Agriculture Regional Field Office 2 (DA RFO 2) ang dalawampung (20) heads ng upgraded buffalo sa Bagu Coconut Planters Association sa Barangay Bagu, Pamplona, Cagayan noong Enero 12, 2026.

Ang nasabing proyekto, na may kabuuang halaga na P2.2 milyon, ay naisakatuparan sa ilalim ng Livestock Economic Enterprise Development (LEED) Program ng ahensya. Layunin nitong palakasin at pasiglahin ang industriya ng dairy o paggagatas sa nasabing komunidad.

Pinangunahan ang distribusyon ni Dr. Giovani Tumaliuan, kinatawan ng DA RFO 2 Livestock Program. Sa kanyang mensahe, tiniyak niya ang patuloy na agapay ng kagawaran sa kanilang samahan.

"Kami po sa DA RFO 2 Livestock Program ay buong pusong sumusuporta sa inyong asosasyon," pahayag ni Dr. Tumaliuan.

Dinaluhan din ang aktibidad ni Municipal Agriculturist Engr. Maxon Panaga na nagpaabot ng pasasalamat sa DA RFO 2. Nangako rin ito ng suporta upang mas mapalago ang sektor ng agrikultura sa bayan.

"Maraming salamat sa DA RFO 2 sa suporta sa aming mga FCAs. Sa ngalan ng Lokal na Pamahalaan ng Pamplona, susuportahan namin ang mga proyekto ng DA RFO 2 at tutulong sa mga magsasaka para mas mapabuti ang sektor ng agrikultura dito sa aming bayan," ani Engr. Panaga.

Labis naman ang pasasalamat ni Mr. Jay-ar Echenique, Pangulo ng Bagu Coconut Planters Association, dahil sa tulong na hatid ng mga kalabaw sa kanilang kabuhayan. Binigyang-diin niya na hindi lamang sa produksyon ng gatas makatutulong ang mga hayop, kundi pati na rin sa paggawa ng organikong pataba.

"Malaking tulong ang mga kalabaw na ito sa aming kabuhayan. Hindi lang sa gatas kundi magagamit na rin namin ang dumi ng kalabaw sa paggawa ng organic na abono. Thank you sa DA RFO 2," wika ni Echanigue.

Ang pamamahagi ng mga upgraded buffalo ay inaasahang magiging susi sa pagpapalawak ng produksyon ng gatas sa lalawigan.

𝗞𝘄𝗲𝗻𝘁𝗼 𝗮𝘁 𝗸𝘂𝗵𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗿𝗮𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗶 𝗠𝗿. 𝗠𝗮𝗻𝗮𝘀𝗲𝘀 𝗟𝗮𝗰𝗮𝗺𝗯𝗿𝗮 (𝗟𝗶𝘃𝗲𝘀𝘁𝗼𝗰𝗸 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺)



𝐏𝟏𝟕-𝐌 𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐚𝐬𝐢𝐥𝐢𝐝𝐚𝐝 𝐩𝐚𝐧𝐠-𝐚𝐠𝐫𝐢𝐤𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚, 𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐠𝐤𝐚𝐥𝐨𝐨𝐛 𝐧𝐠 𝐃𝐀 𝐬𝐚 𝐤𝐨𝐨𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐛𝐚 𝐬𝐚 𝐒𝐚𝐧𝐜𝐡𝐞𝐳 𝐌𝐢𝐫𝐚𝐒𝐀𝐍𝐂𝐇𝐄𝐙 𝐌𝐈𝐑𝐀, 𝐂𝐀𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍 —...
14/01/2026

𝐏𝟏𝟕-𝐌 𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐚𝐬𝐢𝐥𝐢𝐝𝐚𝐝 𝐩𝐚𝐧𝐠-𝐚𝐠𝐫𝐢𝐤𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚, 𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐠𝐤𝐚𝐥𝐨𝐨𝐛 𝐧𝐠 𝐃𝐀 𝐬𝐚 𝐤𝐨𝐨𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐛𝐚 𝐬𝐚 𝐒𝐚𝐧𝐜𝐡𝐞𝐳 𝐌𝐢𝐫𝐚

𝐒𝐀𝐍𝐂𝐇𝐄𝐙 𝐌𝐈𝐑𝐀, 𝐂𝐀𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍 — Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na palakasin ang sektor ng agrikultura sa rehiyon, pormal nang itinurn-over ng Department of Agriculture Regional Field Office No. 2 (DA RFO 2) ang humigit kumulang P17 milyong halaga ng mga pasilidad at proyekto sa Masisit-Dacal Cooperative noong ika-13 ng Enero, 2026.

Pinangunahan ni DA RFO 2 Regional Executive Director Dr. Rose Mary Aquino ang seremonya, kasama sina Regional Livestock Focal Person Dr. Judith Tattao, mga kinatawan ng DA-Regional Agricultural Engineering Division (RAED), mga opisyal ng Lokal na Pamahalaan ng Sanchez Mira, at ang mga kasapi at pamunuan ng naturang kooperatiba.

Kabilang sa mga ipinagkaloob ay ang Bio-Secured Swine Facility sa ilalim ng Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE) Program na nagkakahalaga ng P5.5 milyon. Layunin ng pasilidad na ito na muling pasiglahin ang industriya ng pagbababoy sa munisipalidad. Kasabay nito, ibinigay din ang Chicken Multiplier Farm Facility sa ilalim ng LEED Program na may halagang humigit kumulang P764,000 upang palaguin ang produksyon ng manok at itlog sa komunidad.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Director Aquino ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng mga magsasaka sa pamahalaan.

"Maraming salamat sa Masisit-Dacal Cooperative, members, at officials. Sana ang mga pasilidad na ito ay magamit upang mapalago ang buhay ng ating mga kapwa magsasaka dito sa inyong bayan at sa buong rehiyon," pahayag ni Aquino.

Bukod sa mga proyektong pangkabuhayan sa livestock, tumanggap din ang kooperatiba ng isang warehouse na nagkakahalaga ng P11 milyon sa ilalim ng Rice Program ng kagawaran. Ang pasilidad na ito ay inaasahang makatutulong sa mas maayos na pag-iimbak at pagproseso ng mga ani ng mga magsasaka ng palay sa lugar.

Upang masiguro na matibay, ligtas, at naaayon sa Pambansang Pamantayan ang mga pasilidad na ito, naging maigting ang monitoring ng DA-RAED sa pagpapatayo ng mga naturang proyekto.

Sa ngalan ni Mayor Abraham Bagasin, ipinaabot ng kanyang kinatawan ang buong suporta ng lokal na pamahalaan sa mga inisyatibo ng kooperatiba. "Makakaasa kayo na susuportahan ng LGU ang lahat ng adhikain ng inyong kooperatiba," aniya.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Mr. Zoilo Ballesteros, miyembro ng Board of Directors ng Masisit-Dacal Cooperative, sa mga proyektong natanggap ng kanilang samahan mula sa DA RFO 2.

"Nagpapasalamat kami sa DA RFO 2. Ang mga proyektong ito ay napakalaking tulong sa aming mga miyembro at sa komunidad. Ito ay nagbibigay ng dagdag na kita. Maraming salamat at mabuhay ang DA RFO 2," ani Ballesteros.

Ang pagkakaloob ng mga modernong pasilidad na ito ay bahagi ng estratehiya ng pamahalaan na gawing mas produktibo at matatag ang mga kooperatiba upang magsilbing katuwang sa pagkamit ng seguridad sa pagkain sa bansa.

𝗞𝘄𝗲𝗻𝘁𝗼 𝗮𝘁 𝗸𝘂𝗵𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗿𝗮𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗶 𝗠𝗿. 𝗠𝗮𝗻𝗮𝘀𝗲𝘀 𝗟𝗮𝗰𝗮𝗺𝗯𝗿𝗮 (𝗟𝗶𝘃𝗲𝘀𝘁𝗼𝗰𝗸 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺)



Isang Mapagpala at Masaganang Pasko!Sa panahong ito ng pagbibigayan, hangad namin ang isang Paskong puno ng pag-asa at s...
25/12/2025

Isang Mapagpala at Masaganang Pasko!

Sa panahong ito ng pagbibigayan, hangad namin ang isang Paskong puno ng pag-asa at saganang hapag-kainan para sa bawat pamilyang Pilipino.

Pagbati mula sa DA REGION 2 Livestock Program

23/12/2025

𝐏𝐀𝐍𝐎𝐎𝐑𝐈𝐍
Pasasalamat ni Mr. Nestor Solatre sa natanggap nilang tulong mula sa DA RFO 2 Livestock Program na P2.7M halaga ng magagandang lahi ng baka at forage chopper. Isang tulong pangkabuhayan para sa Batikano Small Water Irrigation System Association Inc. sa Barangay Sta. Clara, Gonzaga, Cagayan.

𝐃𝐢𝐭𝐨 𝐬𝐚 𝐃𝐀 𝐑𝐅𝐎 𝟐, 𝐬𝐢𝐧𝐢𝐬𝐢𝐠𝐮𝐫𝐨 𝐧𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐚𝐲 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐬𝐭𝐚 𝐚𝐛𝐨𝐭, 𝐤𝐮𝐧𝐝𝐢 𝐫𝐚𝐦𝐝𝐚𝐦 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐲 𝐝𝐮𝐥𝐨𝐭!

𝐏𝟐.𝟕-𝐌 𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐤𝐚 𝐚𝐭 𝐟𝐨𝐫𝐚𝐠𝐞 𝐜𝐡𝐨𝐩𝐩𝐞𝐫, 𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐠𝐤𝐚𝐥𝐨𝐨𝐛 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐤𝐚 𝐧𝐠 𝐆𝐨𝐧𝐳𝐚𝐠𝐚, 𝐂𝐚𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧GONZAGA, CAGAYAN – Matagumpay ...
20/12/2025

𝐏𝟐.𝟕-𝐌 𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐤𝐚 𝐚𝐭 𝐟𝐨𝐫𝐚𝐠𝐞 𝐜𝐡𝐨𝐩𝐩𝐞𝐫, 𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐠𝐤𝐚𝐥𝐨𝐨𝐛 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐤𝐚 𝐧𝐠 𝐆𝐨𝐧𝐳𝐚𝐠𝐚, 𝐂𝐚𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧

GONZAGA, CAGAYAN – Matagumpay na nai-turnover ng Department of Agriculture Regional Field Office 2 (DA RFO 2) ang P2.7 milyon halaga ng tulong pangkabuhayan sa Batikano Small Water Irrigation System Association Inc. sa Barangay Sta. Clara, Gonzaga, Cagayan, ngayong araw, Disyembre 20, 2025.

Ang nasabing proyekto ay naisakatuparan sa ilalim ng Livestock Economic Enterprise Development (LEED) Program 2025 - Cattle Multiplier Farm.

Sa pangunguna ng Pangulo ng asosasyon na si Mr. Nestor S. Solatre, masayang tinanggap ng mga miyembro ang 20 heads ng heifer (dumalagang baka), isang (1) bull (torong baka), at isang unit ng forage chopper.
Ang mga kagamitan at hayop na ito ay inaasahang makatutulong upang mapalago ang produksyon ng baka sa kanilang lugar at magbigay ng dagdag na kita sa mga miyembro.

Pinangasiwaan nina Mr. Ferdinand Arquero, Assistant Regional Livestock Focal Person, at Mr. Froilan Lorenzo, Livestock Program Technical Staff, ang paghahatid at inspeksyon ng mga nasabing interbensyon mula sa ahensya.

Ang inisyatibong ito ay suporta sa hangarin ng DA RFO 2 na paigtingin ang industriya ng paghahayupan at kilalanin ang Rehiyon dos bilang sentro ng small ruminants at livestock sa buong bansa.

Inaasahang ang Cattle Multiplier Farm na ito ay magsisilbing modelo ng masaganang paghahayupan sa bayan ng Gonzaga.

Istorya ni Mr. Manases Lacambra
Kuhang litrato ni Mr. Froilan Lorenzo

Address

San Gabriel
Tuguegarao City
3500

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when AGRI TV VLOG posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share