05/06/2026
๐ฆ๐๐ฅ๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก๐ ๐๐๐ข๐ง-๐๐๐ ๐๐ฌ: ๐ญ๐๐ ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ฃ๐ ๐๐, ๐ก๐๐๐๐๐ฆ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ง๐๐๐จ๐ ๐ฃ๐๐ฌ ๐ก๐ ๐ฆ๐๐ฅ๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข ๐๐๐ฅ๐๐ฉ๐๐ก ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ ๐ฆ๐๐ง๐๐ข ๐ก๐ ๐ง๐๐๐จ๐๐๐ก, ๐๐๐ก๐๐ช๐๐ก ๐๐ง ๐ฉ๐๐๐๐๐ฌ ๐๐ข๐ฉ๐, ๐ฆ๐ง๐. ๐ ๐๐ฅ๐๐๐ฅ๐๐ง๐, ๐๐๐๐๐๐ข, ๐๐๐๐๐ฌ๐๐ก
1st Cagayan PMFC, Tuguegarao City Cagayan- Nakibahagi ang 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company sa pangangasiwa ni PMAJ ABDEL AZIZ D MAXIMO, Acting Force Commandersa isinagawang Serbisyo Caravan ng Lokal na Pamahalaan ng Baggao sa mga Sitio ng Tabugan, Linawan, at Valley Cove, Brgy. Sta. Margarita, Baggao, Cagayan mula Mayo 29 hanggang Hunyo 2, 2026.
Sa pangunguna ng Lokal na Pamahalaan ng Baggao at ng iba't ibang katuwang na ahensya ng pamahalaan, matagumpay na naihatid ang mga pangunahing serbisyo sa mga residente ng nasabing mga komunidad na matatagpuan sa kabundukan ng Sierra Madre. Sa loob ng anim na araw na aktibidad, nilakbay ng mga kalahok ang mahahabang ruta, matatarik na kabundukan, at mga ilog upang maihatid ang kinakailangang serbisyo sa mga mamamayan sa malalayong lugar.
Bilang bahagi ng aktibidad, nakibahagi ang 1st Cagayan PMFC sa pagbibigay ng seguridad, pagtulong sa paghahatid ng mga serbisyo, at pagsasagawa ng information dissemination hinggil sa kapayapaan, kaayusan, at kampanya laban sa insurhensiya.
Ilan sa mga serbisyong naihatid sa mga residente ay ang libreng medical consultation at pamamahagi ng gamot, relief distribution, senior citizen at PWD services, PhilSys registration, agricultural assistance, animal health services, first aid training, libreng tuli, fire safety information drive, environmental awareness campaign, at libreng gupit.
Pinatunayan ng nasabing gawain ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan upang maihatid ang mga serbisyong kinakailangan ng mamamayan saan mang sulok ng lalawigan.
Ang 1st Cagayan PMFC ay nagpapaabot ng taos-pusong pasasalamat sa Lokal na Pamahalaan ng Baggao, sa lahat ng katuwang na ahensya, sa mga opisyal ng Barangay Sta. Margarita, at sa mga residente ng Sitio Tabugan, Linawan, at Valley Cove sa kanilang pakikiisa at mainit na pagtanggap na naging susi sa tagumpay ng Serbisyo Caravan.
Press Release No.: 060526-1
Authority: PMAJ ABDEL AZIZ D MAXIMO, Acting Force Commander, 1st CPMFC
Releaser: PCpl Leon Kersii M Gumabay PCAS Action PNCO, 1st CPMFC
Hotline: 09265789922
page: 1st Cagayan PMFC
Date: June 5, 2026