16/08/2026
TINGNAN: Sa ilalim ng pamumuno ni JCSUPT ROLAND LEE N CAEL, DSC, Panrehiyong Direktor ng Kawanihan ng Pamamahala sa Piitan at Penolohiya, ang BJMPRO-II, sa pamamagitan ng Dibisyon sa Pamamahala ng Tauhan at Talaan na pinamumunuan ni JCINSP ALLAN JAY P SUNICO, ay nagsagawa ng Promotional Examination (PromEx) para sa mga kwalipikadong kawani ng BJMP mula sa iba’t ibang panig ng rehiyon nitong ika-16 ng Agosto, 2026 sa Panrehiyong Tanggapan ng Kawanihan ng Pamamahala sa Piitan at Penolohiya Rehiyon 2.
Ang pagsusulit ay pinangunahan ni JSSUPT JULIET M MIRANDA, Pangalawang Panrehiyong Direktor para sa Pangasiwaan ng Pamamahala ng Piitan at Penolohiya. Saklaw ng PromEx ang mga sumusunod na promosyon: JO1 tungo sa JO2, JO2 tungo sa JO3, JO3 tungo sa SJO1, SJO1 tungo sa SJO2, SJO3 tungo sa SJO4 at JSINSP tungo sa JCINSP.
Ang PromEx ay nagsisilbing pagkakataon para sa mga kwalipikadong kawani na nagnanais na umunlad sa kanilang karera at maitaas ang kanilang ranggo sa loob ng Kawanihan. Layunin nitong tasahin ang kaalaman, kasanayan, kakayahan, at kahandaan ng mga kandidato sa mga responsibilidad at hamon na kaakibat ng mas mataas na ranggong kanilang inaasam.
Sa pamamagitan ng pagsusulit na ito, patuloy na itinataguyod ng BJMPRO-II ang merito, kakayahan, at propesyonalismo sa pagsulong ng karera ng mga kawani, upang matiyak na ang mga bibigyan ng mas mataas na responsibilidad ay sapat na handa upang maghatid ng mahusay, responsable, at tapat na paglilingkod sa bayan.
========
For more updates:
Follow us on FB:
Region 2 - Guardians of the Valley
Follow us on TikTok:
Region 2
Follow us on Youtube:
-IIGuardiansOfTheValley
Follow us on our Website:bjmp.gov.ph