26/05/2026
๐๐ง๐๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐๐ฆ๐๐ก๐๐ ๐ข ๐ง๐ ๐๐ข๐๐ ๐๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐ข๐๐ฎ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ซ๐จ๐ฃ๐๐๐ญ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐ ๐๐จ, ๐๐๐ญ๐๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐ฌ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ฅ๐๐ฅ๐ข๐ฆ ๐ง๐ ๐
๐๐๐๐
Bilang bahagi ng patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayang higit na nangangailangan, matagumpay na isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Baggao ang unang pamamahagi ng bigas sa ilalim ng ๐ผ๐จ๐จ๐๐จ๐ฉ๐๐ฃ๐๐ ๐ฉ๐ค ๐๐ฃ๐๐๐๐๐ฃ๐ฉ ๐๐ฃ๐๐๐ซ๐๐๐ช๐๐ก๐จ ๐ค๐ง ๐๐๐ข๐๐ก๐๐๐จ โ ๐๐ค๐ค๐ ๐ผ๐จ๐จ๐๐จ๐ฉ๐๐ฃ๐๐/๐๐๐๐ ๐ฟ๐๐จ๐ฉ๐ง๐๐๐ช๐ฉ๐๐ค๐ฃ ๐๐ง๐ค๐๐๐๐ฉ noong ika-25 ng Mayo, 2026.
Ang nasabing inisyatiba ay isinagawa sa ilalim ng ๐๐ 2026 ๐๐ค๐๐๐ก ๐๐ค๐ซ๐๐ง๐ฃ๐ข๐๐ฃ๐ฉ ๐๐ช๐ฅ๐ฅ๐ค๐ง๐ฉ ๐๐ช๐ฃ๐ โ ๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐๐๐ก ๐ผ๐จ๐จ๐๐จ๐ฉ๐๐ฃ๐๐ ๐ฉ๐ค ๐๐ค๐๐๐ก ๐๐ค๐ซ๐๐ง๐ฃ๐ข๐๐ฃ๐ฉ ๐๐ฃ๐๐ฉ๐จ (๐๐๐๐-๐๐ผ๐๐๐), na naglalayong maghatid ng agarang tulong sa mga indigent na indibidwal at pamilya sa bayan ng Baggao.
Bilang bahagi ng pagsusubaybay at pagtitiyak ng maayos na implementasyon ng programa, dumalo sa aktibidad sina Department of Agriculture (DA) Cagayan Valley Regional Technical Director for Operations and Extension, Dr. Roberto S. Busania, at kinatawan mula sa DILG Cagayan na sina PDMU Chief LGOO V Mildred P. Furigay, Engr. III Edison G. Bucala, at MLGOO Charlotte Jennifer M. Aggabao.
Sa kanyang mensahe, pinuri ni Dr. Busania ang Pamahalaang Bayan ng Baggao sa mahigpit at wastong pagsunod nito sa mga alituntunin ng Sagip Saka Procurement Act sa pagbili ng suplay ng bigas. Aniya, ang Baggao ay kinikilala bilang kauna-unahang LGU sa lalawigan ng Cagayan at isa sa mga naunang lokal na pamahalaan sa Rehiyon II na matagumpay na nagpatupad ng ๐๐ผ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐ฟ๐๐จ๐ฉ๐ง๐๐๐ช๐ฉ๐๐ค๐ฃ ๐๐ง๐ค๐๐๐๐ฉ.
Ayon naman kay Punong Bayan Pattung, tiniyak ng lokal na pamahalaan na ang implementasyon ng mga benepisyong tulong ay direktang nakararating sa mga pamilyang tunay na nangangailangan.
Samantala, binigyang-diin naman ni PDMU Chief Furigay ang kahalagahan ng pag-anyaya sa DILG bilang bahagi ng implementasyon ng proyekto. Ayon sa kanya, ang maagap na procurement ay malinaw na patunay ng matibay na malasakit ng lokal na pamahalaan sa kapakanan ng mga pamilyang nangangailangan.
Saklaw ng unang pamamahagi ng distribusyon ang San Jose Cluster na binubuo ng 10 barangay na may 924 benepisyaryo, at ang Hacienda Cluster na may 7 barangay na may 545 benepisyaryo.
๐ธ Mga larawan mula sa Baggao Information Office.