30/01/2024
"𝐋𝐮𝐦𝐢𝐥𝐢𝐩𝐚𝐝 𝐧𝐚𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐢𝐩 𝐤𝐨 (𝐋𝐮𝐦𝐢𝐥𝐢𝐩𝐚𝐝 𝐧𝐚𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐢𝐩 𝐤𝐨...𝐤𝐨...𝐤𝐨...𝐤𝐨)"
Sa bultong danas ng mga BulSUans sa pang araw-araw na pamumuhay, hindi maikakaila ang sandamakmak na pasanin na humahadlang sa isang pamantasang malaya mula sa asulta ng mga mikrobyo. Kung pursigido ang UCSE na gawing aksesibol at tanggalan ng mas malalim na kulturang pandemokrasya talaga ang Student Elections; sagot ng Best Party Ever: gamitin ang utak ng mga BulSUans upang maging balota sa susunod na eleksyon. 𝐓𝐞𝐥𝐞𝐩𝐚𝐭𝐡𝐲, 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐚!
Naniniwala ang aming partido na makakadulot ito ng 𝐥𝐢𝐦𝐚𝐧𝐠 struktural na benepisyo para sa mga BulSUans:
1. Una, makakatulong ito para babaan ang gastos ng UCSE; kaya ngayon 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐧𝐚 𝐝𝐚𝐡𝐢𝐥𝐚𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐧𝐚𝐬𝐚𝐛𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐨𝐦𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐚 𝐡𝐮𝐦𝐢𝐧𝐠𝐢 𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐚𝐬 𝐚𝐭 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢-𝐦𝐚𝐤𝐚𝐭𝐚𝐫𝐮𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐝𝐲𝐞𝐭 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐒𝐭𝐮𝐝𝐞𝐧𝐭 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭. Hindi ko naman sinasabi na ganoon ginawa nila pero alam mo 'yon, para makatipid ang beshie mo;
2. Pangalawa, 𝐥𝐚𝐥𝐨 𝐧𝐢𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐩𝐚𝐩𝐚𝐥𝐚𝐛𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐞𝐦𝐨𝐤𝐫𝐚𝐬𝐲𝐚 𝐧𝐚 𝐥𝐚𝐲𝐮𝐧𝐢𝐧 𝐧𝐠 𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐫𝐭𝐢𝐝𝐨 𝐮𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐦𝐢𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚, 𝐩𝐫𝐨-𝐞𝐬𝐭𝐮𝐝𝐲𝐚𝐧𝐭𝐞, 𝐚𝐭 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐤𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚, 𝐩𝐫𝐨-𝐒𝐭𝐮𝐝𝐞𝐧𝐭 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐧𝐚 𝐝𝐢𝐤𝐭𝐚𝐝𝐮𝐫𝐲𝐚. Naniniwala kami na sa tulong nito, makakamit na natin ang katarungan laban sa mga bacteria! Kung nais lang namin natin isagad ang kawalan ng tradisyon ng demokrasya, edi utak-utak nalang haha;
3. Pangatlo, sabihin na natin na mapapataas nga ng full online SG elections ang political participation sa BulSU, e ano naman? Kung gusto pala nila ng convenience, mas convenient ang utak lang telepathy kasi hindi na nila kailangan magpindot-pindot pa. 𝐒𝐮𝐧𝐨𝐝 𝐭𝐨 𝐬𝐚 𝐥𝐨𝐡𝐢𝐤𝐚 𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐮𝐥𝐨 𝐧𝐠 𝐜𝐨𝐧𝐯𝐞𝐧𝐢𝐞𝐧𝐜𝐞 𝐚𝐲 𝐩𝐚𝐫𝐭𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐧𝐚 𝐭𝐢𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐧𝐚𝐦𝐢𝐧, 𝐰𝐚𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐡𝐮𝐥𝐨𝐠 𝐚𝐦𝐩. Di naman ganoon 'yun 'tol e. Nung kay Pres. Ally nga, ang baba parin e, datos yan beh? Ay sorry dapat nga pala pro-telepathy to haha Note to editor, delete mo to gagi ka.
4. Pang-apat, gusto kita na mapasakin kahit na mali, katabi ka ng matagal at 'di lang ngayon gabi.
5. Pang-lima, dahil nga 𝐚𝐧𝐠 𝐔𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐢𝐭𝐲 𝐄𝐥𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 𝐚𝐲 𝐩𝐫𝐞𝐩𝐚𝐫𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐚𝐭 𝐬𝐢𝐦𝐮𝐥𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐞𝐥𝐞𝐤𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐧𝐚𝐬𝐲𝐮𝐧𝐚𝐥, naniniwala kami na makakatulong ang telepathy-based student elections upang maihanda ang mga BulSUans sa pagboto ng lider sa labas ng pamantasan. Para narin matrain natin, pero seryoso 𝐩𝐚𝐲𝐚𝐠 𝐤𝐚 𝐬𝐚𝐛𝐢𝐡𝐢𝐧 𝐧𝐢 𝐁𝐁𝐌 𝐨𝐧𝐥𝐢𝐧𝐞 𝐞𝐥𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 𝐭𝐚𝐲𝐨 𝐧𝐞𝐱𝐭 𝐭𝐢𝐦𝐞 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐦𝐚𝐝𝐚𝐥𝐢 𝐥𝐚𝐧𝐠?
Sa dulo ng lahat, beh di naman kasi namin maintindihan bakit pilit 'yung full online elections, 𝐬𝐢𝐠𝐧𝐢𝐟𝐢𝐜𝐚𝐧𝐭 𝐛𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐚𝐛𝐚 𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐝𝐠𝐞𝐭 𝐧𝐠 𝐔𝐂𝐒𝐄 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐦𝐚𝐣𝐮𝐬𝐭𝐢𝐟𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐢𝐥𝐢 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐢𝐧𝐚𝐤𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐦𝐢𝐭? Aba ewan ko haha, nakapiring ng mata ng mga BulSUans d'yan e. Kaya solusyon namin, panatilihing ipiring ang mata para makaboto tayo telepathically!