02/07/2026
๐ ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ฏ๐๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐๐น๐น๐ฒ๐ด๐ฎ๐น ๐ฅ๐ฒ๐ฐ๐ฟ๐๐ถ๐๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ง๐ฟ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ต๐ผ ๐ฃ๐ฎ๐ฝ๐๐ป๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ผ๐น๐ฎ๐ป๐ฑ, ๐ง๐ถ๐ธ๐น๐ผ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ป...
News Alert
Migrant Workers Protection Bureau
๐ ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ฏ๐๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐๐น๐น๐ฒ๐ด๐ฎ๐น ๐ฅ๐ฒ๐ฐ๐ฟ๐๐ถ๐๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ง๐ฟ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ต๐ผ ๐ฃ๐ฎ๐ฝ๐๐ป๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ผ๐น๐ฎ๐ป๐ฑ, ๐ง๐ถ๐ธ๐น๐ผ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ป
๐๐ข๐จ๐ข๐บ๐ข๐ฏ, ๐๐ฉ๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ฆ๐ด โ Arestado ang dalawa na umanoโy sangkot sa large-scale illegal recruitment sa isinampang kaso ng Department of Migrant Workers na kinilala na sina Ma. Theresa Sibayan Constantino, alyas โRizza Sibayan,โ at Prodencio Pascua sa magkahiwalay na operasyon na isinagawa ng Philippine National Police (PNP)โLal-lo Municipal Police Station at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Cagayan noong Hunyo 25, 2026.
Nadakip ang dalawa matapos magpalabas ng warrant of arrest ang Regional Trial Court, Branch 6, Aparri, Cagayan kaugnay ng kasong large-scale illegal recruitment na isinampa laban sa kanila.
Batay sa imbestigasyon na isinagawa ng Migrant Workers Protection Bureau ng Department of Migrant Workers, nanghihikayat umano ang mga suspek ng mga aplikante sa pamamagitan ng pag-aalok ng trabaho bilang factory worker o repacker sa Poland na may ipinapangakong buwanang sahod na aabot sa Php120,000. Kapalit nito, sinisingil nila ang bawat aplikante ng processing fee na nagkakahalaga ng Php 250,000.
Upang magmukhang lehitimo ang kanilang operasyon, nagpapakilala umano si Pascua bilang dating overseas Filipino worker (OFW) sa Brunei na umanoโy natulungan ni Rizza na makapagtrabaho sa ibang bansa. Nagpapanggap din umano siyang kapwa aplikante patungong Poland upang makuha ang tiwala ng mga naghahanap ng trabaho.
Natukoy rin sa imbestigasyon ang dalawa pa nilang umanoโy kasabwat na sina Michelle Antonio Sibayan, kapatid ni Rizza, na nagsisilbing ahente, at Margie Cortez Tuglao, na sinasabing may koneksiyon sa mga employer sa Europa at tumutulong sa pagproseso ng pag-alis ng mga aplikante. Lumabas din sa mga salaysay ng mga biktima na inaatasan umano nina Rizza at Pascua ang mga aplikante na ideposito ang kanilang mga bayarin sa bank account ni Tuglao bilang bahagi ng umanoโy proseso ng kanilang deployment.
Patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad sina Michelle Antonio Sibayan at Margie Cortez Tuglao upang panagutin sa kanilang umanoโy pagkakasangkot sa large-scale illegal recruitment.
Samantala, nananawagan ang Department of Migrant Workers - Migrant Workers Protection Bureau (MWPB), sa iba pang posibleng biktima nina Pascua, Tuglao, at magkapatid na Sibayan na makipag-ugnayan sa DMW sa pamamagitan ng https://www.facebook.com/dmwairtip upang makapagsampa ng kaukulang reklamo at makatanggap ng libreng legal na tulong.