30/07/2026
ππππππππ πππππ, ππππππ ππ ππππππππππ πππππππππ ππ πππ ππ πππ πππππ ππ π
πππππ ππππππππππ
Naaresto ang dalawang babae sa isinagawang entrapment operation ng Land Transportation Office (LTO), sa pakikipag-ugnayan sa Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG), dahil sa umanoβy pagkakasangkot sa ilegal na fixing activities.
Isinagawa ang operasyon matapos magsumbong sa LTO ang isa sa mga naging biktima na nagsabing nagbayad siya ng β±45,000 para sa pagproseso ng driverβs license at patuloy pang hinihingan ng karagdagang bayad.
Bunsod ng reklamo, ikinasa ng LTO at PNP-HPG ang entrapment operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang suspek. Dinala sila sa Camp Crame para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng mga naaangkop na kaso.
Personal ding hinarap ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ang mga suspek at muling iginiit na walang puwang ang mga fixer sa LTO.
βWalang lugar ang mga fixer at ang kanilang mga kasabwat sa LTO. Patuloy nating palalakasin ang ating operasyon laban sa mga nananamantala sa publiko. Hinihikayat namin ang lahat ng motorista na dumiretso lamang sa mga opisyal na tanggapan ng LTO at agad na i-ulat ang sinumang nag-aalok ng ilegal na serbisyo upang agad na maaksyunan,β ani Assistant Secretary Lacanilao.
Muling pinaalalahanan ng LTO ang publiko na huwag makipagtransaksyon sa mga fixer at sa mga indibidwal na nangangakong mapapabilis ang pagproseso ng mga dokumento kapalit ng karagdagang bayad. Pinagtitibay ng ahensya ang patuloy nitong pakikipag-ugnayan sa iba pang law enforcement agencies upang tuluyang mapuksa ang operasyon ng mga fixer at mapanatili ang integridad, kredibilidad, at transparency ng mga serbisyo ng LTO.