Vice Mayor Pastor Ross Resuello

Vice Mayor Pastor Ross Resuello Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Vice Mayor Pastor Ross Resuello, Public & Government Service, 3rd Floor, Enrile Boulevard, Carig Sur, Tuguegarao City.

Serbisyong the B.E.S.T., tungo sa kaunlaran ng Tuguegarao
✅Senior Pastor of Victory Tuguegarao
✅Founder of Lighthouse Coop
✅Certified Public Accountant
✅9 years Tuguegarao City Councilor
✅9 years Cagayan Provincial Board Member

Kay Resuello, Sigurado! 🫡

𝙑𝙄𝘾𝙀 𝙈𝘼𝙔𝙊𝙍 𝙋𝘼𝙎𝙏𝙊𝙍 𝙍𝙊𝙎𝙎, 𝙉𝘼𝙆𝙄𝙄𝙎𝘼 𝙎𝘼 𝘽𝘼𝙉𝙂𝙆𝙀𝙍𝘼 𝙉𝙂 𝘽𝘼𝙍𝘼𝙉𝙂𝘼𝙔 𝘾𝘼𝙏𝘼𝙂𝙂𝘼𝙈𝘼𝙉 𝙉𝙐𝙀𝙑𝙊Nakiisa si 𝙑𝙞𝙘𝙚 𝙈𝙖𝙮𝙤𝙧 𝙋𝙖𝙨𝙩𝙤𝙧 𝙍𝙤𝙨𝙨 𝙍𝙚𝙨𝙪𝙚𝙡𝙡𝙤 sa pa...
06/08/2026

𝙑𝙄𝘾𝙀 𝙈𝘼𝙔𝙊𝙍 𝙋𝘼𝙎𝙏𝙊𝙍 𝙍𝙊𝙎𝙎, 𝙉𝘼𝙆𝙄𝙄𝙎𝘼 𝙎𝘼 𝘽𝘼𝙉𝙂𝙆𝙀𝙍𝘼 𝙉𝙂 𝘽𝘼𝙍𝘼𝙉𝙂𝘼𝙔 𝘾𝘼𝙏𝘼𝙂𝙂𝘼𝙈𝘼𝙉 𝙉𝙐𝙀𝙑𝙊

Nakiisa si 𝙑𝙞𝙘𝙚 𝙈𝙖𝙮𝙤𝙧 𝙋𝙖𝙨𝙩𝙤𝙧 𝙍𝙤𝙨𝙨 𝙍𝙚𝙨𝙪𝙚𝙡𝙡𝙤 sa pagdiriwang ng week-long celebration ng Taggam Festival ng barangay Cataggaman Nuevo.

Ngayong araw ay matagumpay at masayang nasaksihan ang taunang Bangkarera, isa sa mga pinakahihintay na tampok ng Taggam Festival kung saan naglaban-laban ang mga kinatawan ng bawat purok ng nasabing barangay.

Bilang pagsuporta ay binigyan ni Vice Mayor Pastor Ross ang bawat kalahok ng tig-limang kilong bigas.

"Taos-pusong pagbati sa buong Barangay Cataggaman Nuevo sa pangunguna ni Punong Barangay Waldo Zingapan at sa lahat ng bumubuo ng komite sa kanilang maayos at makulay na pagdaraos ng pagdiriwang. Ang ganitong mga aktibidad ay hindi lamang nagbibigay-saya sa ating mga kababayan kundi nagsisilbi ring paraan upang mapanatili ang ating kultura, pagkakaisa, at pagmamalaki sa ating komunidad," ani Pastor Ross.

Dagdag ni Pastor Ross na patuloy niyang susuportahan ang mga gawaing nagbubuklod sa amga barangay at nagbibigay ng sigla sa mga pamayanan.

Nakasama ni Pastor Ross sa pamamahagi si City Councilor Tirso Mangada.


56𝙏𝙃 𝙍𝙀𝙂𝙐𝙇𝘼𝙍 𝙎𝙀𝙎𝙎𝙄𝙊𝙉 𝙉𝙂 𝙏𝙀𝙉𝙏𝙃 𝘾𝙄𝙏𝙔 𝘾𝙊𝙐𝙉𝘾𝙄𝙇Matagumpay na isinagawa ang 56th 𝙍𝙚𝙜𝙪𝙡𝙖𝙧 𝙎𝙚𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣 ng 10𝙩𝙝 𝘾𝙞𝙩𝙮 𝘾𝙤𝙪𝙣𝙘𝙞𝙡 nitong A...
06/08/2026

56𝙏𝙃 𝙍𝙀𝙂𝙐𝙇𝘼𝙍 𝙎𝙀𝙎𝙎𝙄𝙊𝙉 𝙉𝙂 𝙏𝙀𝙉𝙏𝙃 𝘾𝙄𝙏𝙔 𝘾𝙊𝙐𝙉𝘾𝙄𝙇

Matagumpay na isinagawa ang 56th 𝙍𝙚𝙜𝙪𝙡𝙖𝙧 𝙎𝙚𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣 ng 10𝙩𝙝 𝘾𝙞𝙩𝙮 𝘾𝙤𝙪𝙣𝙘𝙞𝙡 nitong Agosto 4, sa pangunguna ni 𝙑𝙞𝙘𝙚 𝙈𝙖𝙮𝙤𝙧 𝙋𝙖𝙨𝙩𝙤𝙧 𝙍𝙤𝙨𝙨 𝙍𝙚𝙨𝙪𝙚𝙡𝙡𝙤 bilang presiding officer.

Maliban sa page ni 𝙑𝙞𝙘𝙚 𝙈𝙖𝙮𝙤𝙧 𝙍𝙤𝙨𝙖𝙪𝙧𝙤 ‘𝙋𝙖𝙨𝙩𝙤𝙧 𝙍𝙤𝙨𝙨’ 𝙍𝙚𝙨𝙪𝙚𝙡𝙡𝙤 ay mapapanood din ito ng live sa official page ng 𝙏𝙪𝙜𝙪𝙚𝙜𝙖𝙧𝙖𝙤 𝘾𝙞𝙩𝙮 𝘾𝙤𝙪𝙣𝙘𝙞𝙡 𝙋𝙖𝙜𝙚 at delayed telecast sa RBC Cable TV.





𝗧𝗛𝗨𝗥𝗦𝗗𝗔𝗬 𝗜𝗦 𝗦𝗔𝗙𝗘𝗥 𝗗𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗟𝗘𝗛𝗜𝗦𝗟𝗔𝗧𝗨𝗥𝗔 💙Ang tunay na malasakit sa mga lingkod-bayan ay hindi lamang nasusukat sa mga progr...
06/08/2026

𝗧𝗛𝗨𝗥𝗦𝗗𝗔𝗬 𝗜𝗦 𝗦𝗔𝗙𝗘𝗥 𝗗𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗟𝗘𝗛𝗜𝗦𝗟𝗔𝗧𝗨𝗥𝗔 💙

Ang tunay na malasakit sa mga lingkod-bayan ay hindi lamang nasusukat sa mga programa at proyekto, kundi maging sa pagtiyak na sila ay nananatiling ligtas at malusog habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.

Bilang bahagi ng adbokasiya ni 𝙑𝙞𝙘𝙚 𝙈𝙖𝙮𝙤𝙧 𝙋𝙖𝙨𝙩𝙤𝙧 𝙍𝙤𝙨𝙨 𝙍𝙚𝙨𝙪𝙚𝙡𝙡𝙤 para sa isang mas ligtas na lugar ng trabaho, isinasagawa tuwing Huwebes ang regular na blood pressure monitoring sa Vice Mayor's Office, SP Secretariat, at SP Legislative Staff Offices sa pangunguna ni Girlie May Mabborang, RN.

Sa pamamagitan ng regular na health monitoring, mas madaling natutukoy ang kalagayan ng kalusugan ng bawat empleyado at naiiwasan ang mga posibleng komplikasyon sa pamamagitan ng maagap na pag-aksyon. Isang simpleng hakbang na may malaking ambag sa pagpapanatili ng isang malusog, masigla, at produktibong manggagawa.

Ang gawaing ito ay pagpapatuloy ng layunin ng 𝙎𝘼𝙁𝙀𝙍 (𝙎𝙖𝙛𝙚𝙩𝙮 𝙖𝙣𝙙 𝙁𝙞𝙧𝙨𝙩-𝘼𝙞𝙙 𝙀𝙙𝙪𝙘𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙛𝙤𝙧 𝙍𝙚𝙨𝙥𝙤𝙣𝙙𝙚𝙧𝙨) Legislative Training and Workshop, na inilunsad upang higit pang mapaigting ang kahandaan at pangangalaga sa kapakanan ng mga kawani ng Lehislatura.





𝙎𝙄𝙂𝙉𝘼𝙇 𝙉𝙐𝙈𝘽𝙀𝙍 1, 𝙉𝘼𝙆𝘼𝙏𝘼𝘼𝙎 𝙋𝘼 𝙍𝙄𝙉 𝙎𝘼 𝙏𝙐𝙂𝙐𝙀𝙂𝘼𝙍𝘼𝙊 𝘾𝙄𝙏𝙔 𝘿𝘼𝙃𝙄𝙇 𝙎𝘼 𝘽𝘼𝙂𝙔𝙊𝙉𝙂 𝙈𝘼𝙔𝙈𝘼𝙔Nag-landfall na ang bagyong   sa Magsingal, I...
05/08/2026

𝙎𝙄𝙂𝙉𝘼𝙇 𝙉𝙐𝙈𝘽𝙀𝙍 1, 𝙉𝘼𝙆𝘼𝙏𝘼𝘼𝙎 𝙋𝘼 𝙍𝙄𝙉 𝙎𝘼 𝙏𝙐𝙂𝙐𝙀𝙂𝘼𝙍𝘼𝙊 𝘾𝙄𝙏𝙔 𝘿𝘼𝙃𝙄𝙇 𝙎𝘼 𝘽𝘼𝙂𝙔𝙊𝙉𝙂 𝙈𝘼𝙔𝙈𝘼𝙔

Nag-landfall na ang bagyong sa Magsingal, Ilocos Sur at kasalukuyang binabagtas ang Hilagang Luzon.

Nananatiling nasa ilalim naman ng Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 ang buong lalawigan ng Cagayan base sa 5 AM weather bulletin ng PAGASA ngayong araw, Agosto 6.

Pinapayuhan ang lahat na subaybayan ang mga update mula sa DOST-PAGASA.

———

𝙋𝙖𝙧𝙖 𝙢𝙖𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙪𝙥𝙙𝙖𝙩𝙚𝙙 𝙨𝙖 𝙡𝙖𝙜𝙖𝙮 𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙣𝙖𝙝𝙤𝙣 𝙖𝙮 𝙥𝙞𝙣𝙖𝙖𝙡𝙖𝙡𝙖𝙝𝙖𝙣𝙖𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙡𝙖𝙝𝙖𝙩 𝙣𝙖 𝙢𝙖𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙡𝙖𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙝𝙖𝙣𝙙𝙖 𝙖𝙩 𝙠𝙪𝙢𝙪𝙝𝙖 𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙢𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙢𝙥𝙤𝙧𝙢𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙨𝙖 𝘿𝙊𝙎𝙏-𝙋𝘼𝙂𝘼𝙎𝘼 𝙖𝙩 𝙞𝙗𝙖 𝙥𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙬𝙩𝙤𝙧𝙞𝙨𝙖𝙙𝙤𝙣𝙜 𝙖𝙝𝙚𝙣𝙨𝙞𝙮𝙖.

FB Page ng DOST-PAGASA: https://www.facebook.com/share/16gHADc7W1/?mibextid=wwXIfr


𝙎𝙄𝙂𝙉𝘼𝙇 𝙉𝙐𝙈𝘽𝙀𝙍 1, 𝙉𝘼𝙆𝘼𝙏𝘼𝘼𝙎 𝙋𝘼 𝙍𝙄𝙉  𝙎𝘼 𝙏𝙐𝙂𝙐𝙀𝙂𝘼𝙍𝘼𝙊 𝘾𝙄𝙏𝙔 𝘿𝘼𝙃𝙄𝙇 𝙎𝘼 𝘽𝘼𝙂𝙔𝙊𝙉𝙂 𝙈𝘼𝙔𝙈𝘼𝙔Nasa ilalim pa rin ng Tropical Cyclone Wind ...
05/08/2026

𝙎𝙄𝙂𝙉𝘼𝙇 𝙉𝙐𝙈𝘽𝙀𝙍 1, 𝙉𝘼𝙆𝘼𝙏𝘼𝘼𝙎 𝙋𝘼 𝙍𝙄𝙉 𝙎𝘼 𝙏𝙐𝙂𝙐𝙀𝙂𝘼𝙍𝘼𝙊 𝘾𝙄𝙏𝙔 𝘿𝘼𝙃𝙄𝙇 𝙎𝘼 𝘽𝘼𝙂𝙔𝙊𝙉𝙂 𝙈𝘼𝙔𝙈𝘼𝙔

Nasa ilalim pa rin ng Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 ang TUGUEGARAO CITY dahil sa banta ng bagyong , base sa 8 PM weather bulletin ng PAGASA ngayong araw, Agosto 5.

Pinapayuhan ang lahat na subaybayan ang mga update mula sa DOST-PAGASA.

———

𝙋𝙖𝙧𝙖 𝙢𝙖𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙪𝙥𝙙𝙖𝙩𝙚𝙙 𝙨𝙖 𝙡𝙖𝙜𝙖𝙮 𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙣𝙖𝙝𝙤𝙣 𝙖𝙮 𝙥𝙞𝙣𝙖𝙖𝙡𝙖𝙡𝙖𝙝𝙖𝙣𝙖𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙡𝙖𝙝𝙖𝙩 𝙣𝙖 𝙢𝙖𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙡𝙖𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙝𝙖𝙣𝙙𝙖 𝙖𝙩 𝙠𝙪𝙢𝙪𝙝𝙖 𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙢𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙢𝙥𝙤𝙧𝙢𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙨𝙖 𝘿𝙊𝙎𝙏-𝙋𝘼𝙂𝘼𝙎𝘼 𝙖𝙩 𝙞𝙗𝙖 𝙥𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙬𝙩𝙤𝙧𝙞𝙨𝙖𝙙𝙤𝙣𝙜 𝙖𝙝𝙚𝙣𝙨𝙞𝙮𝙖.

FB Page ng DOST-PAGASA: https://www.facebook.com/share/16gHADc7W1/?mibextid=wwXIfr


05/08/2026

𝙍𝙀𝙂𝙐𝙇𝘼𝙍 𝙎𝙀𝙎𝙎𝙄𝙊𝙉 𝙃𝙄𝙂𝙃𝙇𝙄𝙂𝙃𝙏𝙎 I Matagumpay na naisagawa ang 56th 𝙍𝙀𝙂𝙐𝙇𝘼𝙍 𝙎𝙀𝙎𝙎𝙄𝙊𝙉 ng 𝙏𝙀𝙉𝙏𝙃 𝘾𝙄𝙏𝙔 𝘾𝙊𝙐𝙉𝘾𝙄𝙇 kahapon, Agosto 4, sa pangunguna ni 𝙑𝙞𝙘𝙚 𝙈𝙖𝙮𝙤𝙧 𝙋𝙖𝙨𝙩𝙤𝙧 𝙍𝙤𝙨𝙨 𝙍𝙚𝙨𝙪𝙚𝙡𝙡𝙤 bilang presiding officer.





𝘿𝘼𝙇𝘼𝙒𝘼𝙉𝙂 𝘾𝘿𝘾 𝙍𝙀𝙎𝙊𝙇𝙐𝙏𝙄𝙊𝙉𝙎, 𝙈𝙐𝙇𝙄𝙉𝙂 𝙄𝙉𝘼𝙋𝙍𝙐𝘽𝘼𝙃𝘼𝙉 𝙉𝙂 𝘾𝙊𝙈𝙈𝙄𝙏𝙏𝙀𝙀 𝙊𝙁 𝙏𝙃𝙀 𝙒𝙃𝙊𝙇𝙀 𝙉𝙂 𝙆𝙊𝙉𝙎𝙀𝙃𝙊Inaprubahan ngayong araw, Agosto 5, ng ...
05/08/2026

𝘿𝘼𝙇𝘼𝙒𝘼𝙉𝙂 𝘾𝘿𝘾 𝙍𝙀𝙎𝙊𝙇𝙐𝙏𝙄𝙊𝙉𝙎, 𝙈𝙐𝙇𝙄𝙉𝙂 𝙄𝙉𝘼𝙋𝙍𝙐𝘽𝘼𝙃𝘼𝙉 𝙉𝙂 𝘾𝙊𝙈𝙈𝙄𝙏𝙏𝙀𝙀 𝙊𝙁 𝙏𝙃𝙀 𝙒𝙃𝙊𝙇𝙀 𝙉𝙂 𝙆𝙊𝙉𝙎𝙀𝙃𝙊

Inaprubahan ngayong araw, Agosto 5, ng Committee of the Whole ang dalawang City Development Council (CDC) Resolutions.

Una na rito ang CDC Resolution No. 18 na may titulong "Resolution Adopting the Comprehensive Development Plan (CDP) 2026- 2031 of Tuguegarao City" na isang mid-term na dokumento na nagsisilbing blueprint ng LGU upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga Tuguegaraoeños sa pamamagitan ng mga konkretong programa, proyekto, at aktibidad.

Inaprubahan din ang CDC Resolution No. 36 na may titulong "Resolution Approving the Local Youth Development Plan (LYDP) 2026- 2028 of Tuguegarao City".

Samantala, base sa nangyaring talakayan sa isinagawang pagpupulong kanina ay napagkasunduan ng mga miyembro ng Committee of the Whole na hindi na kailangang aprubahan ng komite ang dalawa pang CDC Resolutions na inendorso ng punong ehekutibo dahil ang mga kabilang na proyekto na nakapaloob dito ay mga national projects na napondohan sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA).

Ayon kay City Planning and Development Coordinator Chona Sedano, ang CDC Resolution No. 33 na may titulong "Resolution Approving the Various Infrastructure Projects for FY 2026 in Tuguegarao City Funded Under the General Appropriations Act (GAA) FY 2026" at CDC Resolution No. 35 na may titulong "Resolution Approving the Request of the Cagayan 3rd District Engineering Office to Resume the Construction Activities for the Project - Construction of Road- Barangay Carig Sur, Tuguegarao City, Cagayan" ay inendorso lamang para sa impormasyon ng konseho.

Bagama't ang dalawang CDC Resolutions na nabanggit ay para lamang sa impormasyon ng konseho, napagkasunduan ng komite na magpasa ng dalawang magkaibang Resolutions na nagpapakita ng pagsuporta ng Tenth City Council sa CDC Resolution Numbers 33 at 35.

Muli namang pinasalamatan ni 𝙑𝙞𝙘𝙚 𝙈𝙖𝙮𝙤𝙧 𝙋𝙖𝙨𝙩𝙤𝙧 𝙍𝙤𝙨𝙨 𝙍𝙚𝙨𝙪𝙚𝙡𝙡𝙤, ang mga dumalong Resource Persons at miyembro ng Tenth City Council na nagbigay ng kani-kanilang inputs para mas mapabuti ang mga inendorsong mga dokumento.



BASAHIN I Ipinapaabot ni Punong Barangay Lilia Malana ng Namabbalan Sur ang kanyang pasasalamat kay 𝙑𝙞𝙘𝙚 𝙈𝙖𝙮𝙤𝙧 𝙋𝙖𝙨𝙩𝙤𝙧 𝙍𝙤...
05/08/2026

BASAHIN I Ipinapaabot ni Punong Barangay Lilia Malana ng Namabbalan Sur ang kanyang pasasalamat kay 𝙑𝙞𝙘𝙚 𝙈𝙖𝙮𝙤𝙧 𝙋𝙖𝙨𝙩𝙤𝙧 𝙍𝙤𝙨𝙨 𝙍𝙚𝙨𝙪𝙚𝙡𝙡𝙤 dahil nabebenepisyuhan ang kanyang mga ka-barangay ng kanyang 𝙋𝙞𝙜𝙡𝙚𝙩 𝘿𝙞𝙨𝙥𝙚𝙧𝙨𝙖𝙡 𝙋𝙧𝙤𝙟𝙚𝙘𝙩.

Aniya, patuloy niyang mino-monitor ang mga nakatanggap ng biik upang malaman kung nanganak na ang mga ito, nang sa gayon ay mabigyan din ng biik ang iba pang mga kwalipikadong ka-barangay.





𝙎𝙄𝙂𝙉𝘼𝙇 𝙉𝙐𝙈𝘽𝙀𝙍 1, 𝙉𝘼𝙆𝘼𝙏𝘼𝘼𝙎 𝙉𝘼 𝙎𝘼 𝘽𝙐𝙊𝙉𝙂 𝙇𝘼𝙇𝘼𝙒𝙄𝙂𝘼𝙉 𝙉𝙂 𝘾𝘼𝙂𝘼𝙔𝘼𝙉 𝘿𝘼𝙃𝙄𝙇 𝙎𝘼 𝘽𝘼𝙂𝙔𝙊𝙉𝙂 𝙈𝘼𝙔𝙈𝘼𝙔Itinaas na ng PAGASA ang Tropical Cycl...
04/08/2026

𝙎𝙄𝙂𝙉𝘼𝙇 𝙉𝙐𝙈𝘽𝙀𝙍 1, 𝙉𝘼𝙆𝘼𝙏𝘼𝘼𝙎 𝙉𝘼 𝙎𝘼 𝘽𝙐𝙊𝙉𝙂 𝙇𝘼𝙇𝘼𝙒𝙄𝙂𝘼𝙉 𝙉𝙂 𝘾𝘼𝙂𝘼𝙔𝘼𝙉 𝘿𝘼𝙃𝙄𝙇 𝙎𝘼 𝘽𝘼𝙂𝙔𝙊𝙉𝙂 𝙈𝘼𝙔𝙈𝘼𝙔

Itinaas na ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa buong lalawigan ng Cagayan dahil sa banta ng bagyong , base sa 5 AM weather bulletin ng PAGASA ngayong araw, Agosto 5.

Dahil dito, base sa DepEd Order No. 22, s. 2024, awtomatikong suspendido ang pasok ng mga mag-aaral sa KINDERGARTEN.

Pinapayuhan ang lahat na subaybayan ang mga update mula sa DOST-PAGASA.

———

𝙋𝙖𝙧𝙖 𝙢𝙖𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙪𝙥𝙙𝙖𝙩𝙚𝙙 𝙨𝙖 𝙡𝙖𝙜𝙖𝙮 𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙣𝙖𝙝𝙤𝙣 𝙖𝙮 𝙥𝙞𝙣𝙖𝙖𝙡𝙖𝙡𝙖𝙝𝙖𝙣𝙖𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙡𝙖𝙝𝙖𝙩 𝙣𝙖 𝙢𝙖𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙡𝙖𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙝𝙖𝙣𝙙𝙖 𝙖𝙩 𝙠𝙪𝙢𝙪𝙝𝙖 𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙢𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙢𝙥𝙤𝙧𝙢𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙨𝙖 𝘿𝙊𝙎𝙏-𝙋𝘼𝙂𝘼𝙎𝘼 𝙖𝙩 𝙞𝙗𝙖 𝙥𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙬𝙩𝙤𝙧𝙞𝙨𝙖𝙙𝙤𝙣𝙜 𝙖𝙝𝙚𝙣𝙨𝙞𝙮𝙖.

FB Page ng DOST-PAGASA: https://www.facebook.com/share/16gHADc7W1/?mibextid=wwXIfr


Address

3rd Floor, Enrile Boulevard, Carig Sur
Tuguegarao City
3500

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Vice Mayor Pastor Ross Resuello posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share