21/07/2026
Sa pamamagitan ng Provincial Ordinance Nos. 2021-10-008 at 2024-11-024 ng Sangguniang Panlalawigan, naitaas natin ang honorarium ng ating mga Day Care Workers, kasama ang mga Barangay Health Workers, Barangay Nutrition Scholars, at Barangay Tanods noong ako ay nagsilbi bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cagayan.
Alam natin ang hirap, sakripisyo, at dedikasyon ng ating mga frontliners sa komunidad. Kaya naman hindi tayo nagdalawang-isip na itaas ang kanilang honorarium nang dalawang ulit bilang pagkilala sa kanilang mahalagang serbisyo sa ating mga kababayan.
Ang ating mga Day Care Workers ay tunay na mga modernong bayani. Sila ang unang gumagabay sa paghubog ng kaalaman, disiplina, at magandang asal ng ating mga anak—ang pundasyon ng kanilang kinabukasan.
Sa inyong lahat, nais kong ipaabot ang aking taos-pusong pasasalamat at pinakamataas na pagpupugay. Saludo ako sa bawat isa sa inyo. Maraming salamat sa inyong walang sawang pagmamahal at paglilingkod sa mga batang Cagayano.”
— Mensahe ni dating Bise Gobernador Boy Vargas Jr. sa inagurasyon ng National Child Development Center sa Tuguegarao City, Cagayan