15/05/2026
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ 2026 ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Nakiisa ang Department of Agrarian Reform (DAR) Provincial Office Cagayan sa matagumpay na pagsasagawa ng Agrarian Reform Beneficiary (ARB) Summit 2026 sa Ilagan City, Isabela noong Mayo 14, 2026 bilang bahagi ng patuloy nitong suporta sa paghahatid ng mga programa at serbisyo para sa mga ARBs sa Region 2.
Nasa halos 13,000 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) mula sa ibaโt ibang lalawigan sa Region 2 ang nakinabang sa mga programang inilunsad sa pangunguna ni Secretary Conrado M. Estrella III.
Kabilang sa mga ipinamahaging suporta ang farm-to-market roads, farm machinery and equipment, at farm inputs na nagkakahalaga ng mahigit โฑ228 milyon na pakikinabangan ng higit 11,600 magsasaka sa rehiyon.
Samantala, sa ilalim ng New Agrarian Emancipation Act, nabigyan naman ng condonation ng utang ang 1,674 ARBs sa pamamagitan ng 2,260 Certificate of Condonation with Release of Mortgage na may kabuuang halagang higit โฑ128.5 milyon.
Nagsilbi rin ang summit bilang venue para sa capacity-building lectures para sa mga organisasyon ng ARBs at pagkilala sa mga natatanging ARB at ARBO sa rehiyon.