PCIC Region 2

PCIC Region 2 Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from PCIC Region 2, Public & Government Service, Regional Government Center, Tuguegarao City.

Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) is a government owned and controlled corporation (GOCC) created by virtue of PD 1467 (June 11, 1978) as as the implementing agency of the government’s agricultural insurance program.

16/10/2025
16/10/2025
PCIC RO2 distributes ₱2.615M Indemnity to 293 flood-affected farmers in Cagayan ValleyTuguegarao City, Philippines — Oct...
15/10/2025

PCIC RO2 distributes ₱2.615M Indemnity to 293 flood-affected farmers in Cagayan Valley

Tuguegarao City, Philippines — October 15, 2025.
The Philippine Crop Insurance Corporation Regional Office No. 2 (PCIC RO2) distributed a total of ₱2.615 million in indemnity checks to 293 farmers from the provinces of Cagayan and Isabela whose insured crops were damaged by recent flooding.

Farmers from Alcala, Amulung, Enrile, Iguig, Peñablanca, Solana, and Tuguegarao City in Cagayan, as well as Sto. Tomas, Cabagan, Sta. Maria, and San Pablo in Isabela, received their checks during a distribution activity held at the PCIC Regional Office II in Carig Sur, Tuguegarao City.

The financial assistance forms part of PCIC’s continuing commitment to support farmers who have suffered production losses due to calamities. The indemnity payments aim to help them recover and resume farming operations in the upcoming planting season.

Simultaneously, PCIC RO2 conducted an insurance drive on Credit and Life Term Insurance, an initiative designed to protect the lives and livelihoods of farmer-beneficiaries. The drive seeks to raise awareness about the importance of insurance coverage in securing the welfare of farmers and their families.

The activity reflects PCIC’s ongoing efforts to strengthen agricultural resilience in the Cagayan Valley Region through crop and life insurance programs that safeguard the interests of the farming sector.

14/10/2025
14/10/2025
PCIC Region 2 mamahagi ng P1.45-M indemnity checks sa mga magsasakang apektado ng bagyoMuling naghatid ng pag-asa ang Ph...
13/10/2025

PCIC Region 2 mamahagi ng P1.45-M indemnity checks sa mga magsasakang apektado ng bagyo

Muling naghatid ng pag-asa ang Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) – Regional Office No. 2 matapos mamahagi ng kabuuang ₱1,455,351.34 na bayad pinansyal sa 208 magsasaka mula sa mga bayan ng Tuao, Piat, Rizal, at Sto. Niño sa Cagayan noong Oktubre 10, 2025, bilang kabayaran sa pinsalang dulot ng mga nagdaang bagyo.

Para sa mga magsasakang nawalan ng ani, ang naturang bayad pinansyal ay hindi lamang tulong, kundi panibagong pag-asa upang muling makapagsimula. Sa ilalim ng programang pangseguro sa pananim ng PCIC, tiniyak ng ahensya na walang magsasakang maiiwan sa kanilang pagbangon.

Isinagawa ang pamamahagi sa mismong mga bayan upang personal na maihatid sa mga benepisyaryo ang kanilang tseke — isang paraan upang maramdaman nila ang agarang suporta ng pamahalaan. Ayon sa PCIC Region 2, ang hakbanging ito ay bahagi ng patuloy na programa ng ahensya upang patatagin ang sektor ng agrikultura sa harap ng lumalalang epekto ng pagbabago ng klima.

Sa bawat tsekeng natanggap, may kasamang pag-asa at lakas ng loob na ipagpatuloy ng mga magsasaka ang kanilang kabuhayan. Ipinapakita ng inisyatibang ito ng PCIC ang matibay na paninindigan ng pamahalaan na alagaan at itaguyod ang mga Pilipinong nagtatanim ng ating pagkain — mga tunay na haligi ng bansa.

--
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa:
Philippine Crop Insurance Corporation Regional Office No. 2
📧 [email protected]
📞 (078) 844-1225

📢 PCIC Region 2 namahagi ng P3.17-M bayad pinsala sa mga magsasaka ng IsabelaBilang tugon sa mga pinsalang dulot ng mga ...
13/10/2025

📢 PCIC Region 2 namahagi ng P3.17-M bayad pinsala sa mga magsasaka ng Isabela

Bilang tugon sa mga pinsalang dulot ng mga nagdaang bagyo, namahagi ang Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) – Regional Office No. 2 ng kabuuang ₱3,176,207.25 na bayad pinansyal sa 528 magsasaka mula sa 13 bayan ng Isabela noong Oktubre 9, 2025.

Ang mga bayan ng Benito Soliven, San Mariano, Naguilian, Burgos, Gamu, Ilagan, Quirino, Cabagan, Delfin Albano, San Pablo, Sta. Maria, Sto. Tomas, at Tumauini ay kabilang sa mga nakatanggap ng indemnity checks mula sa PCIC.

Kasabay ng pamamahagi ng mga tseke, nagbahagi rin ang mga kawani ng PCIC Region 2 ng impormasyon hinggil sa iba’t ibang programang pangseguro sa pananim na maaaring mapakinabangan ng mga magsasaka.

Patuloy ang PCIC Region 2 sa pagproseso ng mga claim settlement upang matiyak na ang lahat ng apektadong farmer-beneficiaries ay makatatanggap ng kanilang nararapat na kabayaran sa lalong madaling panahon. 🌾
--
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa:
Philippine Crop Insurance Corporation Regional Office No. 2
📧 [email protected]
📞 (078) 844-1225

PCIC-RO2 namahagi ng indemnity payment sa mga magsasaka ng CagayanTUGUEGARAO CITY, Cagayan — Tumanggap ng indemnity chec...
08/10/2025

PCIC-RO2 namahagi ng indemnity payment sa mga magsasaka ng Cagayan

TUGUEGARAO CITY, Cagayan — Tumanggap ng indemnity checks ang 157 magsasaka mula sa iba’t ibang bayan ng Cagayan sa isinagawang pamamahagi ng Philippine Crop Insurance Corporation-Regional Office No. 02 (PCIC-RO2) nitong Oktubre 8, 2025.

Bilang tugon sa pinsalang dulot ng bagyo at pagbaha sa rehiyon, ipinagkaloob ng PCIC RO2 ang kabuuang halagang ₱1,180,774.73 bilang indemnity payment sa mga benepisyaryong magsasaka mula sa mga bayan ng Alcala, Amulung, Enrile, Iguig, Peñablanca, Solana, at Tuguegarao City.

Ayon sa PCIC, ang pamamahagi ng indemnity checks ay bahagi ng kanilang patuloy na pagtugon sa mga magsasakang naapektuhan ng mga kalamidad sa rehiyon. Magpapatuloy pa rin ang settlement process para sa iba pang benepisyaryong magsasaka upang matiyak na lahat ng apektado ay mabibigyan ng kaukulang tulong.

Ang Philippine Crop Insurance Corporation ay patuloy na nagsusulong ng mga programa at serbisyong pangseguro sa agrikultura upang maprotektahan ang kabuhayan ng mga Pilipinong magsasaka laban sa pinsalang dulot ng kalamidad at pagbabago ng klima.

--

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa:
Philippine Crop Insurance Corporation Regional Office No. 2
📧 [email protected]
📞 (078) 844-1225

𝗦𝗮 𝗟𝗶𝗸𝝾𝗱 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗵𝗮, 𝗠𝗮𝘆 𝗦𝗶𝗴𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴-𝗮𝘀𝗮Muling sinubok ng kalikasan ang ating mga magsasaka. Sa hagupit ng nagdaang bagyo,...
06/10/2025

𝗦𝗮 𝗟𝗶𝗸𝝾𝗱 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗵𝗮, 𝗠𝗮𝘆 𝗦𝗶𝗴𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴-𝗮𝘀𝗮

Muling sinubok ng kalikasan ang ating mga magsasaka. Sa hagupit ng nagdaang bagyo, winasak ng malakas na hangin, buhos ng ulan, at ng baha ang mga pananim, binura ang mga pangarap, at nilunod ang pag-asa ng mga taong araw-araw na bumubuhay sa ating hapag. Sa bawat palay na natumba, may pamilyang nawalan ng kabuhayan; sa bawat tanim na nalunod, may pusong muling napagod.

Hindi madaling mawalan ng lahat sa isang iglap. Maraming magsasaka ang napaupo sa gitna ng putikan, walang nasabi kundi mga hikbi ng dalamhati. Ang iba nama’y tahimik na pinagmamasdan ang kanilang bukiring ngayo’y tila naging dagat—habang sa kanilang dibdib ay rumaragasa ang unos ng pangamba at kawalang pag-asa.

Ang pagod, sakit, at takot ay tila mas mabigat pa kaysa sa bagyong tumama. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, may munting tinig na patuloy na bumubulong: “Kaya pa.”

Ang ating mga magsasaka ang tunay na bayani ng bayan. Sa kanilang pawis at pagdurusa, patuloy na tumitibok ang puso ng sambayanang Pilipino. Sa kanilang pagbangon, babangon din ang ating bansa. Huwag nating hayaang malunod sa baha ang kanilang sigaw — sapagkat sa kanilang mga kamay nakasalalay ang ating kinabukasan.

01/10/2025
𝐂𝐋𝐀𝐕𝐄𝐑𝐈𝐀 𝐋𝐆𝐔 𝐓𝐔𝐑𝐍𝐒 𝐎𝐕𝐄𝐑 ₱𝟐𝟒𝟒,𝟓𝟎𝟎 𝐏𝐑𝐄𝐌𝐈𝐔𝐌 𝐏𝐀𝐘𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐓𝐎 𝐏𝐂𝐈𝐂-𝐑𝐎𝟐 𝐅𝐎𝐑 𝐅𝐀𝐑𝐌𝐄𝐑𝐒’ 𝐈𝐍𝐒𝐔𝐑𝐀𝐍𝐂𝐄Claveria, Cagayan — The Philippine Cr...
23/09/2025

𝐂𝐋𝐀𝐕𝐄𝐑𝐈𝐀 𝐋𝐆𝐔 𝐓𝐔𝐑𝐍𝐒 𝐎𝐕𝐄𝐑 ₱𝟐𝟒𝟒,𝟓𝟎𝟎 𝐏𝐑𝐄𝐌𝐈𝐔𝐌 𝐏𝐀𝐘𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐓𝐎 𝐏𝐂𝐈𝐂-𝐑𝐎𝟐 𝐅𝐎𝐑 𝐅𝐀𝐑𝐌𝐄𝐑𝐒’ 𝐈𝐍𝐒𝐔𝐑𝐀𝐍𝐂𝐄

Claveria, Cagayan — The Philippine Crop Insurance Corporation Regional Office No. 02 (PCIC-RO2) receives a ₱244,500 premium payment from the Local Government Unit (LGU) of Claveria on September 18, 2025, at the Municipal Hall. The amount will provide crop insurance coverage for 1,956 farmers in the municipality.

PCIC-RO2 Manager Mario G. Lumibao and Chief of Marketing and Sales Division (MSD) Ma. Concepcion P. Ventura personally received the payment from Mayor Lucille Angelus Guillen-Yapo with Municipal Agriculturist Dante Castillo.

The turnover is part of a Memorandum of Agreement (MOA) signed earlier this year between PCIC-RO2 and the LGU, which allows the municipality to allocate resources for crop and fisheries insurance whenever available. On July 23, 2025, the LGU remitted an initial ₱543,000, covering 4,243 farmers and fisherfolk.

“Ang pakikipag-partner ng PCIC sa LGU Claveria ay malaking tulong para sa ating mga magsasaka at mangingisda. Sa pamamagitan ng insurance coverage, masisiguro natin na may proteksyon sila laban sa mga panganib at hindi mawawala ang kanilang kabuhayan,” said RM Lumibao.

The initiative reflects Claveria’s continuing effort to safeguard the agricultural sector, which remains the backbone of the town’s economy. Officials stressed that broader access to insurance will help farmers recover faster from losses caused by natural calamities and other unforeseen events.

Address

Regional Government Center
Tuguegarao City
3500

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PCIC Region 2 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share