23/08/2025
๐๐๐๐
๐๐๐๐๐ ๐๐๐ฆ๐๐๐ซ๐ฌ ๐๐ฎ๐ฆ๐๐ ๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฒ๐ฎ๐ง๐ข๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ ๐๐ง ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ ๐ฌ๐๐ฌ๐๐ค๐ ๐๐ญ ๐ฆ๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐๐ ๐๐ญ ๐๐๐ฌ ๐ฉ๐๐ฅ๐๐ค๐๐ฌ๐ข๐ง ๐ฉ๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ค๐ญ๐จ๐ซ ๐ง๐ ๐๐ ๐ซ๐ข๐ค๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐
Lumagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU) ang mga miyembrong ahensya ng Cagayan Valley Agriculture and Fisheries Resources, Research, and Extension for Development Network (CVAFRREDN) upang pagtibayin ang kanilang patuloy na pagtutulungan para sa pag-unlad ng agrikultura at pangisdaan sa rehiyon. Layunin din ng kasunduang ito na maging kompetitibo, resilyente sa anumang hamon ng kalikasan at maiangat ang antas ng buhay ng farming communities sa Rehiyon Dos.
Ginanap ang MOA signing sa Quirino Experiment Station sa bayan ng Aglipay, Quirino, noong Agosto 19, 2025, bilang bahagi ng 1st Regional Beef Cattle Congress at CVAFRREDN Technology Forum. Ang nasabing paglalagda ay pinangunahan nina Director Joell H. Lales, R.Agr. ng Bureau of Agricultural Research at Regional Executive Director Rose Mary G. Aquino ng DA RFO 02.
Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa ibaโt ibang ahensya ng pamahalaan, state universities and colleges (SUCs), local government units (LGUs), Regional Agriculture and Fishery Council (RAFC), at iba pang stakeholder mula sa Cagayan Valley.
Sa pamamagitan ng kasunduang ito, mas paiigtingin ang koordinasyon sa mga proyekto, pagbabahagi ng teknolohiya, at suporta sa mga magsasaka at mangingisda. Layunin ng CVAFRREDN na pag-isahin ang direksyon ng mga programa sa Research for Development and Extension (R4DE) upang maiwasan ang pag-uulit ng gawain at mapahusay ang serbisyo sa lokal na antas.
Kabilang sa mga tututukan ng kasunduan ang pagpapalaganap ng makabagong teknolohiya, pagbubuo ng polisiya, at pagsuporta sa Provincial-led Agriculture and Fisheries Extension System (PAFES). Pinagtibay din ang pagtutulungan sa ilalim ng Provincial Commodity Investment Plan (PCIP) na nagsisilbing gabay sa mga prayoridad ng sektor.