02/10/2026
Walang Kuryente? Walang Problema!
Alam mo ba na pwedeng-pwede na mapanatiling sariwa ang mga inaning gulay at prutas ng hindi kailangan ng refrigerator?
ZECC na ‘yan!
Ang Zero Energy Cooling Chamber (ZECC) na dinebelop ng DA-Cagayan Valley Research Center (DA-CVRC) ay isang teknolohiyang pang post-harvest na gumamit ng tubig at uling upang mapanatili ang mas malamig at mamasa-masang kondisyon sa loob ng storage chamber.
Maaari itong maging praktikal na alternatibo para sa pansamantalang pag-imbak ng sariwang ani lalo na sa lugar na limitado ang access sa conventional cold storage.
Para sa iba pang impormasyon ng ZECC, ating panuorin ang AVP para dito.