08/10/2026
๐๐ง๐๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ซ๐ฒ ๐ฉ๐๐ซ๐ญ๐ง๐๐ซ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ, ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฅ๐๐ค๐๐ฌ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐ ๐๐จ๐ซ๐ฎ๐ฆ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ฌ๐๐๐๐ฅ๐
Nagkaisa ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Isabela Provincial Office at mga industry partners sa pagpapalakas ng Enterprise-Based Education and Training (EBET) sa isinagawang EBET Consultation cm Industry Forum 2026 noong Oktubre 8, 2026 sa TESDA Isabela Provincial Office Function Hall, Civic Center, Alibagu, City of Ilagan.
Naging sentro ng forum ang konsultasyon at palitan ng pananaw hinggil sa pagpapatupad ng EBET at sa papel ng industriya sa paghahanda ng mga manggagawang may kasanayang angkop sa aktwal na pangangailangan ng lugar ng trabaho.
Tinalakay sa aktibidad ang konsepto ng EBET, mga proseso at kinakailangan sa pagpapatupad nito, gayundin ang mga tungkulin, oportunidad, at pakikibahagi ng industriya sa enterprise-based training.
Nagbahagi rin ang mga tagapanguna at tagapagpatupad ng EBET ng kanilang mga karanasan at proseso sa pagpapatupad ng programa sa Isabela. Ibinahagi naman ng mga industry partners ang kanilang mga pananaw, mungkahi, at interes sa higit pang pakikipagtulungan sa TESDA.
Binigyang-diin sa forum ang kahalagahan ng matibay na ugnayan ng TESDA at industriya upang maiangkop ang pagsasanay sa aktwal na pangangailangan ng mga employer at ng mundo ng trabaho.
Sa patuloy na pakikipagtulungan sa industriya, isinusulong ng TESDA Isabela ang mga programa at inisyatibang nag-uugnay sa pagsasanay, kasanayan, at oportunidad sa trabaho para sa mga Isabeleรฑo.