14/08/2026
๐๐๐ฅ, ๐๐๐ก๐ฅ, ๐ก๐๐๐ฃ ๐ป๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐ด๐ฟ๐ผ๐๐ป๐ฑ ๐๐ฎ๐น๐ถ๐ฑ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐น-๐น๐ผ
Nagsagawa ngayong Agosto 14 ng ground validation ang Department of Agrarian Reform (DAR) Region II, DAR Provincial Office of Cagayan, Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region II, National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Cagayan, at DAR Municipal Office Lal-lo sa isang landholding sa San Mariano, Lal-lo, Cagayan.
Layunin ng validation na matukoy ang aktuwal na kalagayan ng landholding at makakuha ng kinakailangang datos upang matukoy ang nararapat na instrumento at proseso para sa parcelization ng Collective Certificate of Land Ownership Award (CLOA).
Ayon kay DAR Regional Director Primo C. Lara, mahalaga ang aktuwal na validation upang magkaroon ng malinaw at wastong batayan sa pagtukoy ng mga susunod na hakbang para sa nasabing landholding.
Sa isinagawang validation, sinabi ni Rey Galano, Board of Directors ng Tribal Community Alliance of Northern Cagayan, Incorporated, na mahigit 30 taon nang kinakaharap ng mga magsasaka at Indigenous Peoples (IPs) sa lugar ang mga suliranin sa nasabing lupain.
Ibinahagi rin ni Galano ang kalagayan ng mga IPs na naninirahan sa lugar at ang kanilang pangangailangan sa tulong ng mga kinauukulang ahensya.
Tiniyak naman ng mga kinatawan ng tatlong ahensya ang kanilang koordinasyon at ang mga posibleng tulong at serbisyong maaaring maipagkaloob sa mga magsasaka at IPs sa lugar.
Ang resulta ng ground validation ay magsisilbing batayan sa mga susunod na hakbang para sa parcelization ng nasabing collective CLOA alinsunod sa mga proseso ng SPLIT Project.