04/08/2026
๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐ข๐ฅ๐๐ก๐๐จ๐ ๐ข๐ ๐จ๐ก๐๐๐ฅ๐ฆ๐ง๐๐ก๐๐๐ก๐ (๐ ๐ข๐จ) ๐๐ง ๐ฃ๐๐๐ง๐จ๐ง๐จ๐ฅ๐ก-๐ข๐ฉ๐๐ฅ ๐ก๐ ๐๐๐๐ข๐ก๐ ๐ง๐๐ก๐๐๐๐ฃ๐๐ก ๐ก๐ ๐๐ข๐๐ฆ๐ง ๐๐จ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐จ๐-๐ฆ๐ง๐๐ง๐๐ข๐ก ๐ง๐จ๐๐จ๐ฅ๐๐ก
04 Agosto 2026 | Brgy. Sto. Niรฑo, Tukuran, Zamboanga del Sur
๐๐ก ๐ฃ๐๐ข๐ง๐ข๐ฆ || Ang Bureau of Fire Protection Region 9, sa ilalim ng pamumuno ni ๐
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐. ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐, Acting Regional Director, sa pangangasiwa ni ๐
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐. ๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐, Provincial Fire Marshal ng Zamboanga del Sur, Dumalo ang Tukuran Municipal Fire Station, sa pangunguna ni SFO4 Romelie V Tejada, Acting Municipal Fire Marshal, sa makasaysayang Paglagda ng Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Philippine Coast Guard (PCG) at ng Lokal na Pamahalaan ng Tukuran, kasabay ng Turn-Over Ceremony ng bagong gusali ng Coast Guard Sub-Station Tukuran.
Ang MOU ay nilagdaan nina COMMO REJARD V MARFE, PCG, Commander, Coast Guard District Southwestern Mindanao, at Hon. Macario V. Tingson, Municipal Mayor ng Tukuran. Ang kasunduang ito ay sumasalamin sa matatag na ugnayan at pagtutulungan ng Philippine Coast Guard at ng Lokal na Pamahalaan sa pagpapaigting ng seguridad, kaligtasan, at mabilis na pagtugon sa mga sakuna at iba pang emerhensiya sa bayan ng Tukuran.
Kasabay nito, isinagawa rin ang Turn-Over Ceremony ng bagong tanggapan ng Coast Guard Sub-Station Tukuran, na magsisilbing sentro ng mas episyente at mas mabilis na paghahatid ng serbisyo sa publiko, lalo na sa pagpapatupad ng maritime safety, search and rescue operations, at iba pang misyong pangkaligtasan.
Ang pagdalo ng Tukuran Municipal Fire Station sa nasabing programa ay patunay ng patuloy na pakikiisa at suporta ng Bureau of Fire Protection sa mga inisyatibong nagpapalakas ng koordinasyon at pagkakaisa ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan tungo sa isang ligtas, matatag, at handang komunidad.
๐๐ฎ ๐ฒ๐ท๐ฏ๐ธ๐ป๐ถ๐ฎ๐ญ. ๐๐ฎ ๐น๐ป๐ฎ๐น๐ช๐ป๐ฎ๐ญ. ๐ข๐ฝ๐ช๐ ๐ผ๐ช๐ฏ๐ฎ!
๐ In case of fire or any emergencies, please contact:
โ๏ธ 0951-576-7506
๐ Purok Kamanggahan, Curvada, Tukuran, Zamboanga del Sur