19/08/2026
Dumalo sa dalawang araw na technical workshop ang mga kinatawan mula sa ibat-ibang tanggapan ng Pamahalaang Lokal ng Tulunan para sa integration ng mga komento at rekomendasyon ng Provincial Land Use Committee (PLUC) sa proposed CY 2023-2034 Comprehensive Land Use Plan (CLUP) ng Bayan ng Tulunan.
Isinagawa ang aktibidad noong Agosto 17โ18, 2026 sa Koronadal City katuwang ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Region XII.
Layunin ng technical workshop na mapabilis ang pag-enhance at pag-refine ng CLUP upang maihanda ito para sa muling pagsusumite sa PLUC para sa panibagong review at pag-apruba.
Mahalaga ang CLUP sa pagtatakda ng direksyon ng bayan tungo sa pangmatagalang pag-unlad. Nagsisilbi itong pangunahing batayan sa pagpapasya kung paano gagamitin, poprotektahan, at pauunlarin ang lupain ng munisipyo. Tinitiyak nito na ang pag-unlad ay naaayon sa kapasidad ng lugar, pangangailangan ng mga mamamayan, at pangangalaga sa kapaligiran.//