11/11/2025
📢 PAALALA SA MGA LAND OWNERS AT TAGAPAGMANA!
Simula ngayon, ang Municipal Assessor’s Office ng Tulunan ay mahigpit nang ipinatutupad ang tamang proseso sa pagre-release ng Tax Declaration.
Upang makuha o mairelease ang inyong Tax Declaration, siguraduhing kayo ay:
✅ Tunay na may-ari (Land Owner) ng lupa;
✅ May Deed of Sale o anumang legal na dokumentong nagpapatunay ng pagmamay-ari; at
✅ May Affidavit of Ownership o katumbas na sertipikasyon bilang patunay ng pagmamay-ari.
📌 Para naman sa mga tagapagmana (heirs):
Magbigay ng patunay ng pagmamana, tulad ng Extrajudicial Settlement, Affidavit of Heirship, o anumang dokumentong nagpapatunay ng kanilang karapatan sa lupa.
📌 Kung hindi naman ang may-ari o tagapagmana ang magpoproseso:
Kinakailangang magpasa ng Special Power of Attorney (SPA) o Authorization Letter na notarized ng abogado, bilang pahintulot ng tunay na may-ari o tagapagmana upang sila ay makapag-asikaso ng mga dokumento.
Ang mga alituntuning ito ay ipinatutupad upang mapanatili ang maayos, legal, at tapat na proseso sa pagmamay-ari ng lupa sa ating bayan.
Maraming salamat sa inyong pagtutulungan at pang-unawa.
👩💼 Municipal Assessor’s Office – LGU Tulunan