Bayan ng Tumauini

Bayan ng Tumauini This is the official page of the Local Government Unit of Tumauini.

💛💚
16/08/2026

💛💚

OPISYAL NA PAHAYAG HINGGIL SA KUMAKALAT NA SOCIAL MEDIA POSTNagsagawa ang LGU Tumauini at Tumauini Community Hospital (T...
14/08/2026

OPISYAL NA PAHAYAG HINGGIL SA KUMAKALAT NA SOCIAL MEDIA POST

Nagsagawa ang LGU Tumauini at Tumauini Community Hospital (TCH) ng imbestigasiyon ukol sa post na kumakalat sa social media kaugnay ng isang insidente sa TCH noong July 19, 2026. Dinaluhan ito ng LGU Tumauini, sa pamumuno ni Mayor Venus T. Bautista, mga miyembro at empleyado ng TCH, at ni Miss Raicy Domingo at ng kanyang mga kapamilya.

Basahin ang opisyal na pahayag sa ibaba.

-
Pabatid: Ang TCH ay walang ibang Facebook account bukod sa account sa ibaba. Minabuting gumawa ng panibagong account sa pagpost ng opisyal na pahayag dahil magkaiba at magkahiwalay na unit ang TCH at ang ating Rural Health Unit (RHU).

Salamat po.

Isinagawa ngayong araw, Agosto 14, 2026, sa Rudy B. Albano Astrodome, Tumauini, Isabela, ang Government Service Caravan ...
14/08/2026

Isinagawa ngayong araw, Agosto 14, 2026, sa Rudy B. Albano Astrodome, Tumauini, Isabela, ang Government Service Caravan cm Job Fair & TUPAD Payout, na naglalayong mailapit sa ang iba’t ibang serbisyo ng pamahalaan, oportunidad sa trabaho, at tulong pangkabuhayan sa Bayan ng Tumauini.

Isinagawa ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng Department of Migrant Workers (DMW) Regional Office 2, 1st Congressional District Office of Isabela, at Local Government Unit of Tumauini.

Pinangunahan at sinuportahan ang nasabing aktibidad nina Congressman Antonio “Tonypet” T. Albano, Mayor Venus T. Bautista, Regional Director Atty. Rogelio T. Benitez ng DMW Region 2, at Regional Director Imelda E. Romanillos ng DOLE Region 2.

Layunin ng programa na mas mapalapit ang serbisyo ng pamahalaan sa mga mamamayan, mabuksan ang mas maraming job opportunities.

Patuloy ang LGU Tumauini sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang makapaghatid ng mga programa at serbisyong tunay na makatutulong sa lahat.

📢 GOVERNMENT SERVICE CARAVAN CUM JOB FAIR 2026! Handa ka na bang makahanap ng trabaho at serbisyong pampamahalaan na par...
12/08/2026

📢 GOVERNMENT SERVICE CARAVAN CUM JOB FAIR 2026!

Handa ka na bang makahanap ng trabaho at serbisyong pampamahalaan na para sa iyo? Tara na sa Government Service Caravan cm Job Fair na gaganapin sa August 14, 2026 (Biyernes), 8:00 AM–3:00 PM sa Rudy B. Albano Astrodome, Tumauini, Isabela!

Hatid ito ng Department of Migrant Workers Regional Office 2, katuwang ang 1st Congressional District Office of Isabela at Local Government Unit of Tumauini, kasama ang iba’t ibang government agencies at partner institutions.

Maraming oportunidad sa trabaho at serbisyo ang naghihintay!
📅 August 14, 2026
⏰ 8:00 AM–3:00 PM
📍 Rudy B. Albano Astrodome, Tumauini, Isabela

👉 Para sa kumpletong listahan ng mga available na trabaho at posisyong maaaring applyan, narito ang link: https://www.facebook.com/share/p/1Bqfk4TzBo/

📌 I-share ang post na ito at i-tag ang mga kaibigan, kapamilya, at kakilala na naghahanap ng trabaho. Baka ito na ang oportunidad na hinihintay mo!

📢 PUBLIC ADVISORY | FREE TESDA TRAININGLooking to gain valuable skills and improve your employment opportunities? Take a...
11/08/2026

📢 PUBLIC ADVISORY | FREE TESDA TRAINING

Looking to gain valuable skills and improve your employment opportunities? Take advantage of this FREE TESDA Training offered through the Local Government Unit of Tumauini.

The following training programs are available:
🐖 Animal Production (Swine) NC II – 15 Slots
🐓 Animal Production (Poultry) NC II – 15 Slots
📌 Application Deadline: August 14, 2026

Interested applicants are required to submit the copies of all documentary requirements to the Office of the Municipal Mayor, 2nd Floor, Tumauini Municipal Hall, Brgy. San Pedro, National Highway, Tumauini, Isabela.

⚠️ Slots are limited and will be filled on a first-come, first-served basis. Apply now!

Ipinamahagi ni Mayor Venus T. Bautista ngayong araw August 11, 2026 ang mga Learning Materials at School Supplies para s...
11/08/2026

Ipinamahagi ni Mayor Venus T. Bautista ngayong araw August 11, 2026 ang mga Learning Materials at School Supplies para sa mga Alternative Learning System (ALS) Learners sa Bayan ng Tumauini. Ito ay pagpapakita ng tuloy-tuloy na suporta ni Mayor Bautista na naglalayong matulungan ang mga out-of-school youth na hindi nakapasok sa paaralan o hindi nakatapos ng pag-aaral ngunit nagnanais matuto at magpatuloy sa kanilang edukasyon.

Isinagawa sa Tumauini, Isabela ang 17th Mobile Session of the 12th Sangguniang Panlalawigan of Isabela at Public Consult...
11/08/2026

Isinagawa sa Tumauini, Isabela ang 17th Mobile Session of the 12th Sangguniang Panlalawigan of Isabela at Public Consultation, na naglalayong mailapit sa mga mamamayan ang proseso ng pamahalaang panlalawigan at mabigyan ng pagkakataon ang iba’t ibang sektor na maipahayag ang kanilang mga saloobin, mungkahi, at mga usaping mahalaga sa kanilang mga komunidad.

Pinangunahan ito ni Vice Governor Francis Faustino “Kiko” A. Dy, kasama ang mga Sangguniang Panlalawigan Members mula sa iba’t ibang distrito ng Lalawigan ng Isabela.

Nakiisa rin sa mahalagang pagtitipon si Mayor Venus T. Bautista, kasama sina Vice Mayor Christopher B. Uy at mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Tumauini.

Dumalo rin sa aktibidad ang mga kinatawan ng Liga ng mga Barangay, SK Chairpersons, School Heads, Civil Society Organizations (CSOs), Barangay Secretaries, Department Heads, at iba pang mga panauhin at stakeholders ng bayan.

Ang pagsasagawa ng Mobile Session at Public Consultation sa Tumauini ay nagpapakita ng patuloy na pagsusulong ng mas bukas, inklusibo, at participatory na pamamahala, kung saan ang boses ng mga Isabeleño ay mahalagang bahagi sa pagbuo ng mga programa, polisiya, at desisyon para sa kapakanan ng buong lalawigan.

Isinagawa ngayong August 10, 2026 sa Brgy. Lanna Community Center ang pag sisimula ng Measles-Rubella Supplemental Immun...
10/08/2026

Isinagawa ngayong August 10, 2026 sa Brgy. Lanna Community Center ang pag sisimula ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) 2026, sa pangunguna ni Mayor Venus T. Bautista, bilang bahagi ng Nationwide MR-SIA Campaign.

Layunin nitong maprotektahan ang ating mga anak laban sa Measles (Tigdas) at Rubella at mapanatiling ligtas ang buong komunidad.

Para sa iskedyul ng pagbabakuna sa inyong barangay, makipag-ugnayan lamang sa inyong Barangay Midwife o sa pinakamalapit na Health Center.

Opisyal nang sinimulan ngayong Agosto 10, 2026 ang Buwan ng Kabataan (BNK) 2026 Kick-Off at Sashing Ceremony ng Local Go...
10/08/2026

Opisyal nang sinimulan ngayong Agosto 10, 2026 ang Buwan ng Kabataan (BNK) 2026 Kick-Off at Sashing Ceremony ng Local Government Unit of Tumauini, sa pamamagitan ng Office of Local Youth Development (LYDO) at Tumauini Sangguniang Kabataan (SK) Federation.

Pinangunahan ang nasabing aktibidad ni Municipal Mayor Venus T. Bautista, kasama ang mga opisyal at kawani ng LGU Tumauini, bilang pagpapakita ng buong suporta at pagkakaisa para sa matagumpay at makabuluhang pagdiriwang ng BNK 2026.

Nakiisa rin sa aktibidad ang mga LGU Tumauini Officials, Department Heads, Punong Barangays, SK Chairpersons, mga kawani ng Tumauini Police Station at Tumauini Fire Station, gayundin ang mga mag-aaral at g**o mula sa iba't ibang paaralan sa ating bayan.

Address

San Pedro, Tumauini, Isabela
Tumauini
3325

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bayan ng Tumauini posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Bayan ng Tumauini:

Shortcuts

Share