Brgy. Burgos

Brgy. Burgos Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Brgy. Burgos, Government Organization, Burgos, Tuy.

Tuloy-tuloy ang ating Weekly Barangay Kalinisan Day (BarKaDa)  at ito ay nagiging matagumpay dahil sa sipag at tiyaga ng...
05/04/2026

Tuloy-tuloy ang ating Weekly Barangay Kalinisan Day (BarKaDa) at ito ay nagiging matagumpay dahil sa sipag at tiyaga ng bawat-isa (PB, SBM, Barangay Tanods, Barangay Lupons, BHWs, BNS, VAWC, CDT, at SK Councilor/s), sa pagsusumikap na mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng ating Barangay. Ito ay isang patunay na kapag nagkakaisa, sama-sama, at tulong-tulong ay nagiging magaan ang mga gawain at produktibo ang bawat miyembro. Naging katuwang din po natin ang mga miyembro ng Bfp Tuy P*s Batangas sa pagsasakatuparan ng adhikaing ito. Maraming salamat po...🫶

BARANGAY ASSEMBLYMatagumpay na naisagawa  ang 1st Semestral Barangay Assembly kanina sa pangunguna ng ating masipag na K...
22/03/2026

BARANGAY ASSEMBLY
Matagumpay na naisagawa ang 1st Semestral Barangay Assembly kanina sa pangunguna ng ating masipag na Kapitan Raul Callistus Medina, SB Members, Functionaries, at SK Officials.
Maraming salamat po sa mga ka-barangay na dumalo at nakiisa sa ating programa. Ang inyong oras at pakikiisa ang naging dahilan ng tagumpay ng ating pagtitipon. Ganundin po sa ating MLGOO Julieta Mylene Follero at DILG Staff, sa PNP Tuy sa pangunguna ni PCpl Menchie Amo, kay BFP Tuy FO3 Flor Abiad, Jr., at kay Mam Jacqueline De Tasa ng MDRRMO Tuy.
Maraming salamat din po sa mga tumulong at nagpaabot ng kanilang raffle assistance: Cong. Leandro Leviste, BM Armie Bausas, Mayor Jey Cerrado, Vice Mayor Randy Afable, Kon. Troy Balbacal, Kon. Junjun Afable, Kon. Andy Perez, SK Federation Pres. Lyann Avena at Gng. Lanie Avena, Mayor Raymund Apacible, G. Jamie Apacible, G. Ian Ramos, Kap. Raul Callistus Medina, Kag. Sergio Baldoz, Kag. Amie Villarba, Kag. Marcelino Bathan, Kag. Marites Abiad, Kag. Jesus Maria Martinez, Kag. Jeffrey Baldoz, SK Nickolai Sanchez, Gng. Janet Guevarra at G. Andoy Macalintal.
Maraming salamat po at mabuhay tayong lahat!

Maraming salamat po sa walang sawang pagganap sa ating lingguhang tungkulin upang mapanatiling malinis ang kapaligiran n...
08/03/2026

Maraming salamat po sa walang sawang pagganap sa ating lingguhang tungkulin upang mapanatiling malinis ang kapaligiran ng ating Barangay. 🫡💪

Isinagawa ang buwanang Flag Raising Ceremony bilang pagpapakita ng pagkakaisa, disiplina, at pagmamahal sa bayan ng atin...
02/03/2026

Isinagawa ang buwanang Flag Raising Ceremony bilang pagpapakita ng pagkakaisa, disiplina, at pagmamahal sa bayan ng ating SB Officials, functionaries, SK Officials, Senior President at Presidente ng mga Kababaihan ng barangay kasama ang mga munting learners ng Burgos Daycare Center sa pangunguna ng ating Child Development Teacher. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang patuloy nating gampanan ang ating tungkulin para sa kapakanan ng ating komunidad.

Bayanihan para sa kalinisan! 💪Matagumpay na naisagawa ang ating Weekly Barangay Kalinisan Day Week 10 sa tulong ng ating...
02/03/2026

Bayanihan para sa kalinisan! 💪
Matagumpay na naisagawa ang ating Weekly Barangay Kalinisan Day Week 10 sa tulong ng ating mga masisipag na opisyal, functionaries at miyembro ng 4Ps. Ang inyong pakikiisa ay mahalaga upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng ating komunidad. Sama-sama nating ipagpatuloy ang malasakit sa ating barangay!

Nakiisa ang Barangay Burgos sa pagdiriwang ng Fire Prevention Month sa pamamagitan ng motorcade na pinangunahan ng Burea...
01/03/2026

Nakiisa ang Barangay Burgos sa pagdiriwang ng Fire Prevention Month sa pamamagitan ng motorcade na pinangunahan ng Bureau of Fire Protection.

Layunin ng aktibidad na palakasin ang kamalayan ng komunidad sa kahalagahan ng pag-iwas sa sunog at pagiging handa sa anumang sakuna. Sama-sama nating isabuhay ang disiplina at pag-iingat upang mapanatiling ligtas ang ating barangay.

🔥 Sa pag-iwas sa sunog, ligtas ang bawat tahanan! 🔥


Ang Pamahalaang Barangay ng Barangay Burgos ay nagpapasalamat sa Tuy MPS sa pangunguna ni PMAJ Roy Cuevas, COP, sa isina...
22/02/2026

Ang Pamahalaang Barangay ng Barangay Burgos ay nagpapasalamat sa Tuy MPS sa pangunguna ni PMAJ Roy Cuevas, COP, sa isinagawang pagbisita at dayalogo hinggil sa crime prevention, anti-illegal drugs, at kontra-terorismo.
Ang aktibidad na ito ay nakatutulong sa pagpapalakas ng ugnayan ng kapulisan at barangay, at sa pagpapaigting ng mga hakbang para sa kapayapaan at kaligtasan ng ating komunidad.

Week 8Lingguhang BARKADA: Sama-samang paglilinis, sama-sama sa pag-unlad!💚Makiisa po tayo at maging bahagi ng pagbabago ...
16/02/2026

Week 8
Lingguhang BARKADA: Sama-samang paglilinis, sama-sama sa pag-unlad!💚
Makiisa po tayo at maging bahagi ng pagbabago para sa mas malinis na barangay.

Week 7Sama-sama sa Lingguhang Barangay Kalinisan Day (BARKADA)! 💪🌿Ang malinis na kapaligiran ay simbolo ng pagkakaisa at...
12/02/2026

Week 7
Sama-sama sa Lingguhang Barangay Kalinisan Day (BARKADA)! 💪🌿
Ang malinis na kapaligiran ay simbolo ng pagkakaisa at malasakit ng bawat mamamayan.
Maraming salamat po sa palagiang pakikiisa sa ating Weekly Barangay Kalinisan Day, SB Members, functionaries, 4Ps members at volunteer. Ang ating maliit na hakbang ay malaking ambag para sa kaayusan ng ating komunidad.
Hinihikayat din po namin ang buong komunidad na makiisa at maging bahagi sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng ating barangay.

🐱 ANUNSYO: NAWAWALANG PUSANawawala po ang pusa na si Ali, isang Tortoiseshell Persian Cat, kulay black/brown📍 Huling nak...
10/02/2026

🐱 ANUNSYO: NAWAWALANG PUSA

Nawawala po ang pusa na si Ali, isang Tortoiseshell Persian Cat, kulay black/brown
📍 Huling nakita sa bahay sa Basa St., Brgy. Burgos, Tuy, Batangas, 11am
🗓️ Petsa ng pagkawala: February 9, 2026

📞 Kung may nakakita o may impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan kay Adrian
Contact No.:0951 738 9590

💰 May pabuya pong ibibigay sa makakakita o makakapagbalik sa pusa
Maraming salamat po sa tulong.

BarKaDa Week 5Sama-samang pagkilos para sa malinis, ligtas, at maayos na barangay 💪🌿Bayanihan ng Barkada para sa Kalinis...
25/01/2026

BarKaDa Week 5
Sama-samang pagkilos para sa malinis, ligtas, at maayos na barangay 💪🌿
Bayanihan ng Barkada para sa Kalinisan!

✨The kids of Barangay Burgos Daycare Center wearing the uniforms of their chosen dreams.The future leaders, heroes, and ...
23/01/2026

✨The kids of Barangay Burgos Daycare Center wearing the uniforms of their chosen dreams.
The future leaders, heroes, and professionals of our community.

Address

Burgos
Tuy
4214

Opening Hours

Monday 9am - 4pm
6pm - 11pm
Tuesday 9am - 4pm
6pm - 11pm
Wednesday 9am - 4pm
6pm - 11pm
Thursday 9am - 4pm
6pm - 11pm
Friday 9am - 4pm
6pm - 11pm
Saturday 9am - 12pm
6pm - 11pm
Sunday 9am - 12pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Burgos posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share