06/08/2026
๐๐๐๐๐
๐ ๐๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ง๐๐:
๐ฃ๐ฎ๐ฎ๐ป๐ผ ๐ฃ๐ถ๐ป๐ถ๐น๐ถ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฒ๐ป๐ฒ๐ฝ๐ถ๐๐๐ฎ๐ฟ๐๐ผ ๐ฎ๐ ๐๐ป๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ฝ๐ฒ๐น ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ข๐ฝ๐ถ๐๐๐ฎ๐น ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐?
Marami ang nagtatanong kung bakit may mga pamilyang nakasama sa listahan ng UPLIFT Assistance habang ang iba naman ay hindi.
Dahil dito, may ilang mamamayan ang nagpapahayag ng pagkadismaya at maging ng akusasyon na umano'y nagkaroon ng "palakasan" o paboritismo sa pagpili ng mga benepisyaryo.
Mahalagang maunawaan ng publiko na ang mga opisyal ng barangay ay walang kapangyarihang pumili, magdagdag, magtanggal o magpalit ng pangalan ng mga benepisyaryo ng UPLIFT Assistance.
Ang listahan ay nagmumula sa mga pambansang database at mga ahensya ng pamahalaan, alinsunod sa itinakdang pamantayan ng national government.
๐๐ง๐ค๐ช๐ฅ 1 โ ๐๐๐ ๐ฝ๐๐ฃ๐๐ฅ๐๐จ๐ฎ๐๐ง๐ฎ๐ค ๐ฃ๐ 4๐๐จ ๐๐ฉ ๐๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐๐ช๐ฉ๐ค๐ข ๐๐ง๐ค๐๐ง๐๐ข
Ang unang grupo ng mga makatatanggap ng ayuda ay ang mga kasalukuyang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at Walang Gutom Program.
Sila ay tatanggap ng halagang dalawang libong pisong one-time cash assistance.
Ang kanilang mga pangalan ay nasa opisyal na talaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Dahil dito, ang DSWD ang nagtatakda kung sinu-sino ang kabilang sa grupong ito. Hindi na sila muling pinipili ng barangay sapagkat sila ay rehistrado at kasalukuyang benepisyaryo na ng nasabing mga programa ng pamahalaan.
๐๐ง๐ค๐ช๐ฅ 2 โ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ง๐๐ฅ ๐ฃ๐ ๐๐๐ข๐๐ก๐ฎ๐ ๐ฝ๐๐ฉ๐๐ฎ ๐จ๐ 2024 ๐พ๐ฝ๐๐
Ang ikalawang grupo ay binubuo ng mga mahihirap na kabahayan na natukoy sa pamamagitan ng 2024 Community-Based Monitoring System (CBMS) na isinagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Ang CBMS ay isang malawakang pangangalap ng datos o census tungkol sa kalagayan ng bawat pamilya, kabilang ang kanilang kabuhayan, kita, pabahay, edukasyon, at iba pang impormasyon.
Ang datos na ito ay isinumite ng PSA sa iba pang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan at naging batayan ng DSWD sa pagtukoy ng mga kwalipikadong benepisyaryo.
Kung ang isang pamilya ay hindi kabilang sa listahan ng mga napiling benepisyaryo batay sa CBMS, hindi ito nangangahulugang may nagtanggal ng kanilang pangalan sa barangay. Ang naging batayan ay ang opisyal na datos na nakalap noong isinagawa ang CBMS.
Ang mga benepisyaryo sa grupong ito ay tatanggap ng โฑ2,000 bawat buwan mula Hulyo hanggang Disyembre, 2026.
๐๐ง๐ค๐ช๐ฅ 3 โ ๐๐๐ ๐๐ค๐ฌ-๐๐ฃ๐๐ค๐ข๐ ๐๐ค๐ง๐ ๐๐ง๐จ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฎ๐๐ข๐๐ง๐ค ๐ฃ๐ ๐๐๐
Ang ikatlong grupo ay binubuo ng humigit-kumulang 1.5 milyong manggagawang may mababang kita na nakarehistro sa Social Security System (SSS).
Ang listahang ito ay direktang nagmumula sa rekord ng SSS batay sa mga pamantayang itinakda ng pamahalaan. Ang mga kwalipikadong manggagawa ay tatanggap ng โฑ2,000 kada buwan mula Hulyo hanggang Disyembre, 2006.
Muli, walang papel ang barangay sa pagpili ng mga benepisyaryong kabilang sa grupong ito.
๐๐ป๐ผ ๐๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ฝ๐ฒ๐น ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐?
Ang tungkulin ng mga opisyal ng barangay ay nakatuon sa pagtulong sa maayos na implementasyon ng programa.
Kabilang dito ang:
* Pagpapaskil o pagpapalabas ng opisyal na listahan kapag ipinadala ng DSWD o ng kinauukulang ahensya;
* Pagbibigay ng impormasyon tungkol sa schedule ng payout o distribusyon;
* Pagpapanatili ng kaayusan at pagtulong sa maayos na daloy ng pamamahagi ng ayuda;
* Pagtugon sa mga katanungan ng mga residente at pag-uugnay sa kanila sa tamang tanggapan kung may nais silang ipa-verify.
๐ฏ๐๐๐
๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐
๐๐
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐
๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐.
๐
๐
๐
๐
๐
๐
๐
๐
ข๐
๐
๐
ค๐
๐
๐
๐
๐
:
Kung may katanungan o nais linawin tungkol sa pagiging kwalipikado sa UPLIFT Assistance, mas makabubuting dumulog sa DSWD, sa City o Municipal Social Welfare and Development Office (C/MSWDO), o sa iba pang kinauukulang ahensya na nangangasiwa sa programa.
Ang pag-unawa sa proseso ay mahalaga upang maiwasan ang maling impormasyon at ang hindi makatarungang pagbibintang sa mga opisyal ng barangay na nagsisilbi lamang bilang katuwang sa implementasyon ng programa at hindi sa pagpili ng mga tatanggap ng ayuda.