17/03/2026
LAHAT NG MGA BARANGAY
Umingan, Pangasinan
Ang Lokal na Pamahalaan ng Umingan, kasama ang inisyatiba ni Sir Manny PiΓ±ol, ay magsasagawa ng Cattle, Sorghum, & Soybeans Farming Forum sa ika-19 ng Marso, 2026 na gaganapin sa Evacuation Facility, Lauren, Umingan, Pangasinan, sa ganap na ika-8 ng umaga.
Layunin ng programang ito ang makapagbigay ng oryentasyon para sa mga magsasaka na interesado sa pagtatanim ng sorghum at soybeans para sa paghahanda para sa pagtatatag ng First Atkins Farms Cattle Feedlot sa bayan ng Umingan upang mag-accommodate ng hindi bababa sa 10,000 steers para sa pagpapataba sa loob ng 100 araw upang matiyak ang produksyon ng de-kalidad na karne ng baka sa merkado.
Sa mga gustong magpa-register, mangyari lamang na pumunta sa munisipyo, sa opisina ng mayor, at hanapin si Ginoong Windylle Fontanilla upang maisama sa listahan ng mga dadalo sa nasabing farming forum. Ang programang ito ay libre, walang registration fee, at may libreng meryenda at pananghalian sa unang 200 na magsasaka na magre-register sa mismong araw ng forum.
Inaasahan naming ang inyong suporta para sa programang ito na siyang magiging dahilan ng pagiging sentro ng Cattle Industry sa buong Pilipinas ang bayan ng Umingan.