13/10/2026
ALAM N’YO BA? | Hanggang Nobyembre 2028 ang termino ng mga kasalukuyang SK officials
Sa ilalim ng Republic Act No. 12326, itinakda sa limang taon ang termino ng mga halal na opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK).
Dahil dito, ang susunod na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ay gaganapin sa ikalawang Lunes ng Nobyembre 2028.
Hinihikayat ang mga kasalukuyang SK officials na gamitin ang karagdagang panahon upang:
✅ Maipagpatuloy ang mga programa at proyektong tumutugon sa pangangailangan ng kabataan;
✅ Mas mapalakas ang pakikilahok ng kabataan sa mga gawaing pangkomunidad; at
✅ Patuloy na gampanan ang kanilang mga tungkulin at pananagutan sa kani-kanilang komunidad.
Layunin nitong matiyak ang tuloy-tuloy na paglilingkod at pagpapatupad ng mga angkop na programa para sa kapakanan ng kabataan.