10/08/2026
π¨ OPISYAL NA PAHAYAG NG LGU UMINGAN
Mariing kinokondena ng Lokal na Pamahalaan ng Umingan ang naganap na pagnanakaw sa LGT Gadgets sa Poblacion East, Umingan, Pangasinan.
Agad na kumikilos ang kapulisan upang magsagawa ng masusing imbestigasyon, tukuyin ang mga nasa likod ng insidente, at papanagutin ang mga mapatutunayang sangkot alinsunod sa batas.
Hinihikayat ang sinumang may nalalaman o makatutulong na impormasyon kaugnay ng insidente na makipag-ugnayan sa mga kinauukulang awtoridad.
Patuloy na nakikipagtulungan ang LGU Umingan sa kapulisan at iba pang awtoridad upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at seguridad ng ating mga mamamayan at negosyo.
Magkaisa tayo para sa isang ligtas at mapayapang Umingan. π€