23/10/2026
TINGNAN | PATULOY NA PAMAMAHAGI NG NOTICES AT PAGLILINIS SA BINANGONAN PUBLIC MARKET 🏪🔍
Patuloy ang mga operasyon sa Binangonan Public Market upang matiyak ang pagsunod sa mga umiiral na ordinansa at mapanatili ang kaayusan sa loob at paligid ng pamilihan.
Muling nagsagawa ng distribution of notices ang BPLO upang beripikahin ang mga business permit at kaukulang dokumento ng mga establisimyentong patuloy na nag-ooperate sa palengke.
🪧 Kasabay ng mga hakbang na ito, patuloy rin ang paglalagay ng mga signage sa paligid ng palengke upang gabayan ang publiko sa tamang paradahan at makatulong sa pagpapanatili ng maayos na daloy ng trapiko.
‼️ Mahigpit na ipinapaalala na ang itinakdang parking area para sa mga sasakyan ay nasa Phase 6. Mayroon ding nakatalagang lugar sa harap ng Phase 1 para sa mga motorsiklo, na dapat sundin upang maiwasan ang pagsisikip at hindi maayos na pagpaparada.
Nakipagpulong din ang TMG sa mga TODA na nakapuwesto sa harap ng Phase 1 upang maisaayos ang pila ng mga tricycle. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng maayos na pagparada at pagkakaroon ng sariling basurahan upang mapanatiling malinis at organisado ang kanilang lugar.
Ang mga hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Bayan na magkaroon ng pamilihang maayos, malinis, ligtas, at komportable para sa lahat.
💙