Poblacion Ang Galing

Poblacion Ang Galing Ang sentro ng Urdaneta City! Mula sa kultura, komersyo, hanggang sa serbisyo. Ito ang page para sa opisyal na bulletin, updates, at proyekto ng ating barangay.

Bayanihan at Kaunlaran Nating Lahat!

ARAW NG PAKIKIBAHAGI: Solusyon at Aksyon Ating Talakayin!Inaanyayahan po namin ang lahat ng residente ng Barangay Poblac...
24/03/2026

ARAW NG PAKIKIBAHAGI: Solusyon at Aksyon Ating Talakayin!

Inaanyayahan po namin ang lahat ng residente ng Barangay Poblacion na dumalo sa ating Barangay Assembly sa darating na Sabado, March 28, 2026, 3:00 ng hapon sa Urdaneta I Central School Covered Basketball Court.

Alinsunod sa temang “Nagkakaisang Barangay Tungo sa Kalinisan, Kaayusan, Kapayapaan at Kaunlaran,” layunin ng pagtitipong ito na talakayin ang mga accomplishments, financial reports, at status updates ng mga plano, programa, at proyekto ng ating Punong Barangay Aris Christian Millora

Halina’t makibahagi! Sama-sama nating pag-usapan ang mga solusyon at aksyon para sa mas malinis, maayos, mapayapa, at maunlad na ating barangay.

💊 Ano ang mga available na Libreng Gamot sa ating Barangay?Sa kasalukuyan, mayroon tayong stock ng mga sumusunod:Mainten...
17/03/2026

💊 Ano ang mga available na Libreng Gamot sa ating Barangay?

Sa kasalukuyan, mayroon tayong stock ng mga sumusunod:

Maintenance Medicines: Para sa hypertension( high blood) at diabetes.

Common Ailments: Gamot para sa ubo, sipon, lagnat, at trangkaso.

Pediatric Care: Bitamina at mga syrup para sa mga bata.

First Aid Essentials: Gamot sa sugat at mga pain reliever.

📋 Paano Makakakuha?
Pumunta lamang sa ating Barangay hall mula lunes hanggang Biyernes, 8:00 AM – 5:00 PM.

Magdala ng Requirements: Mangyaring magdala ng valid ID (patunay na residente ng Poblacion) at reseta mula sa doktor lalo napo para sa mga maintenance.

Ngayong March 12, 2026 ay opisyal nang natapos ang Net Metering para sa 30kW Grid-Tied Solar Power System na inilagay sa...
12/03/2026

Ngayong March 12, 2026 ay opisyal nang natapos ang Net Metering para sa 30kW Grid-Tied Solar Power System na inilagay sa ating Barangay Hall.

Ang Net Metering ay isang billing mechanism na nagbibigay-daan sa solar panel system na ma-export ang sobrang kuryenteng nalilikha nito pabalik sa utility grid kapalit ng credits sa electric bill. Sa ganitong paraan, mas napapakinabangan ang solar energy at mas nababawasan ang gastusin sa kuryente ng ating barangay.

Malaking tulong ang proyektong ito upang mabawasan ang bayarin sa kuryente ng ating opisina habang gumagamit ng mas malinis at renewable na enerhiya mula sa araw. Isa rin itong hakbang tungo sa mas sustainable at environment-friendly na pamamahala ng ating pasilidad sa barangay.

Ang proyektong ito ay mula sa Sangguniang Barangay ng Poblacion, sa pangunguna ng ating Punong Barangay Aris Christian Millora, na patuloy na nagsusulong ng mga programang makakatulong sa pag-unlad, pagtitipid, at pangangalaga sa kalikasan ng ating komunidad.

Ngayong araw, March 8, 2026, binuksan ang mga manhole sa Consejo Street upang malinisan ang drainage canal. Ang dating c...
08/03/2026

Ngayong araw, March 8, 2026, binuksan ang mga manhole sa Consejo Street upang malinisan ang drainage canal. Ang dating concrete manhole cover ay hindi na kayang iangat gamit ang pulley kaya kinailangan itong gibain at pinalitan na lamang ng steel manhole cover upang mas maging madali ang paglilinis ng nasabing kanal.

Sa isinagawang operasyon, naalis at nalinisan ang matagal nang baradong drainage, na nagresulta sa isa na namang matagumpay na clean-up drive sa lugar. Sa ngayon, anim na manhole na ang nalinisan, at marami pa ang susunod upang tuluyang malinisan ang buong drainage canal. Layunin nito na maiwasan ang muling pagbabara at masigurong maayos ang daloy ng tubig upang hindi na magdulot ng pagbaha sa nasabing lugar.

Ang proyektong ito ay naisakatuparan sa pangunguna ng ating Punong Barangay Aris Christian Millora, kasama ang Sangguniang Barangay ng Poblacion, at ang ating mga masisipag na CVO.

February 28, 2026 – March 1, 2026Matagumpay na naisagawa ng Sangguniang Barangay ng Poblacion ang 2-Day Clean-Up Drive s...
01/03/2026

February 28, 2026 – March 1, 2026

Matagumpay na naisagawa ng Sangguniang Barangay ng Poblacion ang 2-Day Clean-Up Drive sa pangunguna ng ating napakagaling na Punong Barangay Aris Christian Millora, kasama si Zone Kagawad Partenio Rosario, Jr., Poblacion CVO, at ang ating mga dedicated volunteers.

Ang activity na ito ay nakatuon sa pag-clear ng mga clogged drainage canal sa kahabaan ng Consejo Street na matagal nang nagdudulot ng flooding at stagnant water sa area. Dahil sa teamwork at bayanihan ng bawat isa, successful ang clean-up drive at tuluyan nang nawala ang matagal na naipong baha sa nasabing lugar.

Sa mga susunod na araw, magpapatuloy pa ang clearing operations para tuluyang maalis ang mga tumigas na dumi at masigurong maayos ang water flow sa drainage system. Layunin nating mapanatili ang kalinisan, maiwasan ang pagbaha, at masigurong safe at healthy ang ating komunidad.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta! Sama-sama tayong kumilos para sa mas maayos at mas progresibong Barangay Poblacion. 💚

Ngayong February 20, 2026, nagsanib-puwersa ang ating mga Barangay CVO at POSO Officers sa Bagsakan Market upang tiyakin...
20/02/2026

Ngayong February 20, 2026, nagsanib-puwersa ang ating mga Barangay CVO at POSO Officers sa Bagsakan Market upang tiyaking maayos na maipapatupad ang mga napagkasunduan sa nakaraang dialogue at open forum kasama ang ating Punong Barangay Aris Christian Millora, POSO Chief Francisco “Palong” Serafica, stakeholders, kulong drivers, at porters.

Layunin ng hakbang na ito ang pagpapanatili ng kaayusan, disiplina, at maayos na daloy ng operasyon sa Bagsakan Market, lalo na sa hanay ng mga kulong drivers. Sa pamamagitan ng aktibong presensya ng ating mga opisyal at patuloy na koordinasyon sa bawat sektor, masisiguro ang isang mas organisado, ligtas, at maayos na pamilihan para sa lahat.

Ang inisyatibong ito ay patunay ng ating sama-samang pagkilos at pakikiisa para sa kapakanan ng komunidad. Patuloy tayong magtulungan upang mapanatili ang kaayusan at kaunlaran sa ating lugar.

Ngayong araw, February 18, 2026, matagumpay na isinagawa ang isang makabuluhang dayalogo sa pagitan ng mga stakeholder, ...
19/02/2026

Ngayong araw, February 18, 2026, matagumpay na isinagawa ang isang makabuluhang dayalogo sa pagitan ng mga stakeholder, kulong-kulong drivers, at mga porters ng Urdaneta City Bagsakan, kasama ang ating Punong Barangay Aris Christian Millora at POSO Chief Francisco “Palong” Serafica.

Layunin ng nasabing pagpupulong na magbigay ng malinaw na paliwanag hinggil sa kasalukuyang pagsasaayos ng sistema sa bagsakan, partikular sa maayos na proseso ng loading at unloading ng mga kalakal. Tinalakay ang mga alituntunin at mga hakbang na ipatutupad upang mapanatili ang kaayusan, kaligtasan, at maayos na daloy ng operasyon sa lugar.

Nagkaroon din ng open forum kung saan binigyang pagkakataon ang lahat na magpahayag ng kanilang mga katanungan, saloobin, at mungkahi. Malaya ang bawat isa na magtanong at magbigay ng suhestiyon upang mas mapabuti pa ang mga ipatutupad na patakaran. Sa pamamagitan ng bukas na talakayan, mas napagtibay ang pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat sektor para sa kapakanan ng buong komunidad.

Ang aktibidad na ito ay patunay ng patuloy na pakikipag-ugnayan ng pamunuan sa iba’t ibang sektor upang masiguro ang isang organisado, patas, at maayos na sistema para sa lahat.

Ngayong araw, February 16, 2026, matagumpay nating naisagawa ang unang araw ng Project HEAL (Healthy Eating for Active L...
17/02/2026

Ngayong araw, February 16, 2026, matagumpay nating naisagawa ang unang araw ng Project HEAL (Healthy Eating for Active Learning) — isang Feeding Program para sa ating ARAL Learners na ginanap sa UICS Social Hall.

Buong puso at buong lakas ang suporta ng ating butihing Punong Barangay, Aris Christian Millora, na tunay na nagpapakita ng malasakit sa kapakanan at kinabukasan ng ating mga mag-aaral. Kasama rin natin sa makabuluhang gawaing ito sina Ma'am Emma R. Campilla - Principal IV, Ma'am Doris Richell Cabang - Head Teacher III, UCSC at Sir Joel B. Caballero - PSDS Cluster 2, na patuloy na gumagabay at sumusuporta sa mga programang pang-edukasyon.

Today marks a meaningful milestone as we successfully launched Day 1 of Project HEAL. This initiative aims to promote healthy eating habits to support active learning among our ARAL learners. Through the strong collaboration of our school leaders and community officials, we continue to nurture not only the minds but also the well-being of our students.

Together, we believe that healthy children learn better. Sama-sama nating itaguyod ang mas malusog at mas matagumpay na kinabukasan ng bawat bata!

LIBRENG GAMOT SA ATING BARANGAY! 💊Mga ka-Barangay! Narito ang listahan ng mga gamot na kasalukuyang available sa ating B...
16/02/2026

LIBRENG GAMOT SA ATING BARANGAY! 💊
Mga ka-Barangay! Narito ang listahan ng mga gamot na kasalukuyang available sa ating Barangay. Layunin naming masiguro na ang bawat pamilya ay may access sa mga pangunahing pangangailangang pangkalusugan.

Ngayong araw, February 9, 2026, inimbitahan ng Senior Citizens Association of Poblacion, sa pangunguna ng kanilang newly...
09/02/2026

Ngayong araw, February 9, 2026, inimbitahan ng Senior Citizens Association of Poblacion, sa pangunguna ng kanilang newly elected President na si Mr. Pedro V. Mendoza, Jr., ang ating butihing Punong Barangay Aris Christian Millora, kasama sina Barangay Kagawad Benedick Sigua Benito at Barangay Secretary Alvin Nepumoceno Herada, upang dumalo sa isinagawang programa kaugnay ng pagtatalaga sa tungkulin ng mga bagong halal na opisyal.

Pinangunahan ng ating Punong Barangay ang panunumpa sa tungkulin ng mga newly elected officers bilang pagpapakita ng kanilang pananagutan at tapat na paglilingkod sa komunidad.

Malugod na pagbati sa mga bagong opisyal at kasapi ng Senior Citizens Association of Poblacion. Nawa’y maging matagumpay ang inyong pamumuno at patuloy na paglilingkod.

Isa na namang makabuluhang tagumpay na proyekto ng ating Sangguniang Barangay ng Poblacion mula sa mahusay at tapat na p...
23/01/2026

Isa na namang makabuluhang tagumpay na proyekto ng ating Sangguniang Barangay ng Poblacion mula sa mahusay at tapat na pamumuno ng ating Punong Barangay, Aris Christian Millora 👏🏼✌🏼💯

Matagumpay na pong natapos ang installation ng 30kW Grid-Tied Solar Panel System sa ating Barangay Hall. Ang proyektong ito ay isang mahalagang pamumuhunan para sa kinabukasan ng ating barangay, dahil makatutulong ito sa pagbabawas ng gastusin sa kuryente at mas magiging environment-friendly ang ating pasilidad.

Ang naturang proyekto ay pinondohan mula sa 20% Development Fund para sa taong 2026, na naglalayong maghatid ng pangmatagalang benepisyo hindi lamang sa barangay hall kundi sa buong komunidad.

Patunay ito na ang pondo ng barangay ay ginagamit sa makabuluhan, matipid, at napapanatiling mga proyekto. Maraming salamat po sa patuloy na tiwala at suporta ng ating mga kabarangay. Sama-sama po nating itaguyod ang malinis na enerhiya at maunlad na barangay! 🌱⚡

Address

Urdaneta
2428

Telephone

+63756534117

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Poblacion Ang Galing posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category