31/03/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐โ๏ธ
Ipinapaalam po namin sa lahat na pansamantalang ipinagpapaliban ang SK League 2026 bilang pakikiisa sa panawagan ng pamahalaan para sa pagtitipid ng enerhiya. Ang desisyong ito ay isinagawa upang makatulong sa pagbawas ng konsumo ng kuryente at sa pagharap sa patuloy na pagtaas ng gastos sa enerhiya.
Batid po namin ang kahalagahan ng liga para sa ating kabataan at komunidad, ngunit sa panahong ito, mas mahalaga ang sama-samang pagkilos para sa kapakanan ng lahat. Hinihiling po namin ang inyong pag-unawa at suporta sa hakbang na ito.
Makakaasa po kayo na ang SK League ay muling magbabalik sa lalong madaling panahon. Maraming salamat po at manatili tayong nagkakaisa para sa bayan.
Sabay-sabay nating hintayin ang anunsyo sa pagbabalik at muling pagsasagawa ng mga ibaโt ibang aktibidades.
Muli, maraming salamat sa pang-unawa.