26/08/2026
๐๐๐๐ญ ๐๐ซ๐๐ง๐ฌ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ ๐๐๐ก๐ข๐๐ฅ๐ (๐๐๐) ๐๐ฉ๐๐ซ๐๐ญ๐จ๐ซ๐ฌ/๐๐ฐ๐ง๐๐ซ๐ฌ ๐๐ข๐ซ๐ญ๐ฎ๐๐ฅ ๐๐๐๐ญ๐ข๐ง๐
Pinangunahan ng National Meat Inspection Service Regional Technical Operation Center 1 (NMIS RTOC 1), sa pangunguna ni ๐๐ซ. ๐๐ก๐๐ซ๐ซ๐ข๐ ๐๐ง๐ง ๐๐๐ฏ๐ข๐๐ซ, OIC, Regional Technical Director, ang virtual meeting para sa mga Meat Transport Vehicle (MTV) Operators/Owners noong Agosto 20, 2026.
Tinalakay sa pagpupulong ang updated MTV registration, kabilang ang mga bagong documentary requirements at proseso ng pagpaparehistro. Ipinaliwanag din ang ๐๐๐ข๐ค๐ง๐๐ฃ๐๐ช๐ข ๐๐ง๐๐๐ง ๐๐ค. ๐พ๐-08-2026-510, na may petsang Hulyo 30, 2026, tungkol sa pagpapatupad ng updated MTV registration documents at Good Hygiene Practices (GHP) orientation materials.
Pweding i-access ang updated MTV Application Form at Documentary Requirements Checklist sa link na ito: https://bit.ly/updated_mtv
Layunin ng pagpupulong na matulungan ang mga operators/owners ng MTV na maging tama at kumpleto ang kanilang mga requirements upang maiwasan ang pagkaantala, pagtanggi, o pagbabalik ng kanilang mga dokumento. Naging pagkakataon din ito para sa mga kalahok na magtanong at magbigay ng kanilang mga concerns at problema kaugnay ng MTV registration.
Sa huli, layunin ng pagpupulong na mas mapadali ang proseso ng MTV registration at matiyak na kumpleto at tama ang mga kinakailangang dokumento.