DAR Pangasinan

DAR Pangasinan The Official page of the Department of Agrarian Reform Pangasinan Provincial Office.

D A R M a n d a t e:

The Department of Agrarian Reform (DAR) leads the implementation of the Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) through land tenure improvement, agrarian justice, and coordinated delivery of essential support services to client-beneficiaries. D A R M i s s i o n

"To lead in the implementation of agrarian reform and sustainable rural development in the countryside throug

h land tenure improvement and provision of integrated development services to landless farmers, farmworkers and small landowner-cultivators, and the delivery of agrarian justice". C A R P V i s i o n

"A nation where there is equitable land ownership and empowered agrarian reform beneficiaries who are effectively managing their economic and social development for a better quality of life".

URDANETA CITY, Pangasinan – Aktibong nakibahagi ang Department of Agrarian Reform (DAR) Pangasinan, sa pamumuno nina Pro...
05/08/2026

URDANETA CITY, Pangasinan – Aktibong nakibahagi ang Department of Agrarian Reform (DAR) Pangasinan, sa pamumuno nina Provincial Agrarian Reform Program Officer (PARPO) II Charlotte F. Lasmarias at PARPO I Reymond Niño R. Yu, sa CY 2026 National 1st Semester Formative Performance Assessment and 2nd Semester Catch-Up Planning Conference na isinagawa sa pamamagitan ng hybrid na pamamaraan.

Layunin ng naturang aktibidad na suriin ang naging implementasyon ng mga programa at proyekto ng DAR sa unang semestre ng 2026, tukuyin ang mga hamon at mabubuting kasanayan, at bumuo ng mga estratehiya para sa mas epektibong pagpapatupad ng mga target at prayoridad ng kagawaran sa ikalawang semestre ng taon.

Sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa kumperensiya, muling ipinakita ng DAR Pangasinan ang patuloy nitong suporta sa mga inisyatiba ng kagawaran na naglalayong higit pang mapahusay ang paghahatid ng mga serbisyo at programa para sa kapakinabangan ng mga agrarian reform beneficiaries (ARBs). /LWS (Photos: Bon Salazar Jr., Graphic Artist)

PUBLIC SERVICE ADVISORY05 August 2026Pursuant to the Memorandum Circular No. 121, that Government work and classes at al...
05/08/2026

PUBLIC SERVICE ADVISORY
05 August 2026

Pursuant to the Memorandum Circular No. 121, that Government work and classes at all levels in the NCR, Abra, Ilocos Sur, La Union, Benguet, Pangasinan and Zambales are suspended starting 3:00 PM today, August 05, 2026, following the recommendation of the NDRRMC due to continuous heavy rainfall brought by Tropical Storm Maymay and the enhanced Southwest Monsoon.

Please stay informed through official government advisories and prioritize your safety.

URDANETA CITY, Pangasinan – Nagpahayag ng pasasalamat ang 25 iskolar ng Department of Agrarian Reform (DAR) Pangasinan, ...
03/08/2026

URDANETA CITY, Pangasinan – Nagpahayag ng pasasalamat ang 25 iskolar ng Department of Agrarian Reform (DAR) Pangasinan, na kinabibilangan ng mga kapamilya ng Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) na miyembro rin ng iba't ibang Agrarian Reform Beneficiaries Organizations (ARBOs), matapos matagumpay na makumpleto ang Photovoltaic Systems Installation NC II sa TESDA Provincial Office, Brgy. Anonas, Urdaneta City.

Ang 36-araw na pagsasanay, na nagsimula noong Hunyo 8, 2026, ay nagbigay sa mga iskolar ng kaalaman at kasanayan sa photovoltaic systems installation, na maaari nilang magamit bilang karagdagang pagkakakitaan.

Nagpasalamat ang mga iskolar sa DAR Pangasinan, sa pamumuno nina Provincial Agrarian Reform Program Officer (PARPO) II Charlotte F. Lasmarias at PARPO I Reymond Niño R. Yu, sa pagbibigay ng oportunidad na makapag-aral at magkaroon ng mga kasanayang magagamit sa pagpapabuti ng kanilang kabuhayan.

Ang inisyatibang ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng DAR, sa ilalim ng pamumuno ni DAR Secretary Conrado M. Estrella III, na palawakin ang mga oportunidad sa kabuhayan ng mga ARB at kanilang mga pamilya.

Nakatakdang idaos ngayong buwan ang kanilang graduation ceremony, kung saan tatanggap din ang bawat iskolar ng toolkits upang magsilbing panimulang kagamitan sa kanilang pagpasok sa larangan ng photovoltaic systems installation at makatulong sa kanilang paghahanap ng trabaho o pagsisimula ng sariling kabuhayan.

𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀𝐓𝐈 | Ipinapaabot ng Department of Agrarian Reform (DAR) Pangasinan ang taos-pusong pagbati kay DAR Secretary Conrad...
02/08/2026

𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀𝐓𝐈 | Ipinapaabot ng Department of Agrarian Reform (DAR) Pangasinan ang taos-pusong pagbati kay DAR Secretary Conrado M. Estrella III sa kanyang pagkilala bilang isa sa Top 5 Most Trusted Cabinet Secretaries, na nagtala ng 81.7% Index of Governance, batay sa RFMD’s “Boses ng Bayan” Survey na isinagawa noong Hulyo 12–19, 2026.

Ang natatanging pagkilalang ito ay sumasalamin sa patuloy na tiwala at suporta ng mamamayang Pilipino sa kanyang matatag na pamumuno at dedikasyon sa pagsusulong ng mga programang naglalayong mapaunlad ang sektor ng agraryo at maiangat ang kabuhayan ng mga magsasaka.

Nawa’y patuloy kayong gabayan ng Poong Maykapal sa inyong misyong maglingkod nang may integridad, malasakit, at kahusayan para sa sambayanang Pilipino.

Mabuhay po kayo, Secretary Conrado M. Estrella III!

MGA LARAWAN | Sa pagtutulungan ng Department of Agrarian Reform (DAR) Pangasinan, Lokal na Pamahalaan ng Natividad, at C...
02/08/2026

MGA LARAWAN | Sa pagtutulungan ng Department of Agrarian Reform (DAR) Pangasinan, Lokal na Pamahalaan ng Natividad, at Conrado F. Estrella Regional Medical and Trauma Center, nabigyan ang 165 mag-aaral ng San Macario Sur Elementary School sa Natividad, Pangasinan ng masustansyang pagkain, libreng medical consultation, bitamina, at mga gamot.

Ang naturang aktibidad ay bahagi ng hangarin ng ahensiya sa pangunguna nina PARPO II Charlotte F. Lasmarias at PARPO I Reymond Niño Yu na isulong ang kapakanan ng mga mag-aaral at sabay na maipakilala at mapalakas ang kabuhayan sa pamamagitan ng dekalidad na produktong likha ng mga Agrarian Reform Beneficiaries Organizations (ARBOs) sa lalawigan.

MGA LARAWAN | Pormal na nilagdaan ng Department of Agrarian Reform (DAR) Pangasinan at Land Transportation Office (LTO) ...
01/08/2026

MGA LARAWAN | Pormal na nilagdaan ng Department of Agrarian Reform (DAR) Pangasinan at Land Transportation Office (LTO) Region I ang isang Memorandum of Agreement (MOA) upang palawakin ang akses ng mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) at kanilang mga kapamilya sa libreng Theoretical Driving Course (TDC). Isinagawa ang ceremonial signing noong Hulyo 31, 2026 sa Robert B. Estrella Sr. Memorial Stadium, Rosales, Pangasinan.

Nilagdaan ang kasunduan nina DAR Region I Regional Director Maria Ana B. Francisco, CESO III, PARPO II Charlotte F. Lasmarias, LTO Region I Regional Director Glorioso Daniel Z. Martinez, at Assistant Regional Director Eric C. Suriben.

Kabilang sa mga dumalo sina DAR Secretary Conrado M. Estrella III bilang panauhing pandangal at Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Road Transport and Non-Infrastructure Dioscoro T. Reyes sa isinagawang oath-taking ceremony ng mga bagong hirang at na-promote na kawani ng LTO Region I, na ginanap bago ang ceremonial signing ng MOA.

Pinangunahan ni PARPO II Charlotte F. Lasmarias ng DAR Pangasinan ang pagpapatupad ng mga programang nagpapalakas sa kab...
01/08/2026

Pinangunahan ni PARPO II Charlotte F. Lasmarias ng DAR Pangasinan ang pagpapatupad ng mga programang nagpapalakas sa kabuhayan ng mga magsasaka, kabilang ang pagpapalago ng industriya ng niyog tungo sa mas matatag at maunlad na kinabukasan.

Basahin ang buong ulat sa comment section.

43 ARBOs sa Pangasinan, lumahok sa CFIDP Orientation and ConsultationMatagumpay na isinagawa ng Department of Agrarian R...
30/07/2026

43 ARBOs sa Pangasinan, lumahok sa CFIDP Orientation and Consultation

Matagumpay na isinagawa ng Department of Agrarian Reform (DAR) Pangasinan, katuwang ang iba't ibang ahensya ng pamahalaan, ang Orientation and Consultation Initiative on the Coconut Farmers and Industry Development Plan (CFIDP) noong Hulyo 29–30, 2026 sa Agricultural Training Institute–Regional Training Center I (ATI-RTC I), Tebag East, Sta. Barbara, Pangasinan, na dinaluhan ng 43 Agrarian Reform Beneficiaries Organizations (ARBOs) mula sa Pangasinan.

Layunin ng aktibidad na palakasin ang ugnayan ng DAR at mga katuwang na ahensya sa paghahatid ng mga programa at serbisyong makatutulong sa pagpapaunlad ng industriya ng niyog, pagpapalawak ng mga oportunidad sa kabuhayan, at pagtaas ng kita ng mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs).

Basahin ang kabuuang ulat: https://www.dar.gov.ph/region-i-news-pangasinan/25542

Sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), muling binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ...
27/07/2026

Sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), muling binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang patuloy na pagsusulong ng repormang agraryo para sa kapakanan ng mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs).

Patuloy na isinusulong ng Department of Agrarian Reform (DAR), sa pangunguna ni Secretary Conrado M. Estrella III, ang mga programang nagbubukas ng mas maraming oportunidad at nagpapabuti sa kabuhayan ng mga magsasaka at kanilang mga pamilya.

Address

Urdaneta

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63756560187

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DAR Pangasinan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DAR Pangasinan:

Shortcuts

Share