04/05/2026
📍 Barangay Palina West
May 04, 2026— Isang panibagong yugto ng paglilingkod ang ating nasaksihan sa matagumpay na pagpapasinaya ng bagong Barangay Hall ng Palina West—sumisimbolo ng kaunlaran, pagkakaisa, at mas maayos na serbisyo para sa mamamayan.
Ang proyektong ito ay naisakatuparan sa tulong at suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Urdaneta, sa pangunguna nina Mayor Julio “Rammy” F. Parayno III at Vice Mayor Jimmy “Jing” D. Parayno.
Ang bagong gusali ay magsisilbing sentro ng mas episyenteng pamamahala at mas pinalapit na serbisyo para sa bawat residente ng barangay.
Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng proyektong ito. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pag-unlad ng Barangay Palina West! 🫰✋