18/04/2026
MAGANDANG ARAW SA LAHAT
Sa lahat ng mga kababayan ng Barangay San Ramon.
Ipinababatid po sa inyong lahat na magkakaroon po tayo ng Libreng Tuli (Circumcision Program) sa darating na Abril 22, 2026 (hapon). Hinihikayat po ang lahat ng nais magpatuli na magpalista na sa inyong mga Barangay Health Workers (BHW) sa kani-kanilang purok upang mapabilang sa nasabing programa.
Maraming salamat po, at inaasahan namin ang inyong pakikiisa para sa ikabubuti ng ating komunidad.