08/07/2026
What: PRE-MEMBERSHIP EDUCATION SEMINAR (PMES) (MASELCO)
When: JULY 24, 2026. 9:00AM
When: BRGY. PLAZA
Purok 1-6 only!
Ang Pre-Membership Education Seminar (PMES) para sa mga benepisyaryo ng Sitio Electrification Program (SEP) sa ilalim ng FY 2026 General Appropriations Act (GAA) ay isasagawa sa kani-kanilang barangay sa petsang iaanunsyo.
Lubos na hinihikayat ang pagdalo ng lahat ng natukoy na benepisyaryo, dahil layunin ng seminar na mabigyan ng oryentasyon ang mga kalahok tungkol sa mga alituntunin ng programa, mga tungkulin ng member-consumers, mga kasanayan sa kaligtasan sa paggamit ng kuryente, at wastong paggamit ng serbisyong elektrikal bago ang energization ng proyekto.
Mga Kailangang Dokumento:
1. Barangay Clearance
2. Recent picture ng aplikante na kuha sa harap ng kanilang bahay
3. Photocopy ng anumang valid government-issued ID
Hinihiling sa mga benepisyaryo na dalhin ang mga nabanggit na requirements sa araw ng PMES upang mapabilis ang pagproseso ng kanilang aplikasyon sa ilalim ng Sitio Electrification Program.